Sabado, Mayo 03, 2014

Pagpapahid sa mga relics at mga imahe ng mga banal nasa Bibliya ba?

Ave Maria!

Ang pagpupunas o pagpapahid sa mga imahe ng mga banal o mga labi nito (relic: Bahagi ng katawan, damit o mga telang nadampi) ay madalas na pinupuna ng mga kaibayo sa pananampalataya, mga sektang protestante o mga kultong likha lamang ng mga taong nais ipahayag na sila'y mula sa Diyos. Ang usaping ito, bagamat matagal ng may kasagutan ay labis pa ring pinag-uusapan maging hanggang ngayon sa ating panahon.

 Nakalulungkot lamang isipin ang katotohanang marami pa ring mga KATOLIKO ang nadadaya sa mga ganitong usapin lalo na kapag sinimulan ng magsitas ng mga kunwa'y tagapangaral ng salita ng Diyos. Ang tanging masasagot lamang ng ating mga kapatid ay "Ay! Oo nga!". Ganito ang madalas na senaryo na kinahihinatnan ng ating mga kapatid kaya mabilis silang masisinsay sa pananampalatayang katoliko at lilipat sa ibang mga sektang tatag ng tao.

Paglilinaw: Ang pagpupunas o pagpapahid sa mga imahen o relic ng mga banal ay hindi imbento o gawa lamang ng mga KATOLIKO. Ang mga imahen o relic ay sagrado 'pagkat ito sumasalamin sa kabanalang inihalimbawa ng mga taong banal nung sila ay nabubuhay pa, maging ang mga relics na binibigyang halaga ay dinadaluyan ng kabanalan at biyayang kaloob ng Diyos dahil ito bahagi ng katawan ng taong banal na yumao na. Ang mga ito ay hindi nagtataglay ng "salamangka o mahika" na gumagawa ng mga himala.

Ang pagpupunas o pagpapahid ay maituturing na BANAL NA TRADISYON ng Santa Iglesia na halaw pa sa mga kaugalian na mababasa sa BANAL NA KASULATAN:

Bilang 21:8-9
8 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Gumawa ka ng isang mabagsik na ahas at ipatong mo sa isang tikin: at mangyayari, na bawa't taong makagat, ay mabubuhay pag tumingin doon. 
9 At si Moises ay gumawa ng isang ahas na tanso at ipinatong sa isang tikin: at nangyari, na pag may nakagat ng ahas ay nabubuhay pagtingin sa ahas na tanso, 


2 Hari 13:20-21
20At namatay si Eliseo, at kanilang inilibing siya. Ang mga pulutong nga ng mga Moabita ay nagsilusob sa lupain sa pagdating ng taon. 
21
At nangyari, samantalang kanilang inililibing ang isang lalake, na, narito, kanilang natanaw ang isang pulutong; at kanilang inihagis ang lalake sa libingan ni Eliseo: at pagkasagi ng tao ng mga buto ni Eliseo, siya'y nabuhay uli, at tumayo sa kaniyang mga paa.

Mateo 9:20-21
20At narito, isang babaing inaagasang may labingdalawang taon na, ay lumapit sa kaniyang likuran, at hinipo ang laylayan ng kaniyang damit: 
21Sapagka't sinabi niya sa kaniyang kalooban, Kung mahipo ko man lamang ang kaniyang damit, ay gagaling ako. 



Marcos 6:56
56At saan man siya pumasok, sa mga nayon, o sa mga bayan o sa mga bukid, ay inilalagay nila sa mga liwasan ang mga may-sakit, at ipinamamanhik sa kaniya na ipahipo man lamang sa kanila ang laylayan ng kaniyang damit: at ang lahat ng nagsihipo sa kaniya ay pawang nagsigaling.


Gawa 5:15-16
15 Na ano pa't dinala nila sa mga lansangan ang mga may-sakit, at inilagay sa mga higaan at mga hiligan, upang, pagdaan ni Pedro, ay maliliman man lamang ng anino niya ang sinoman sa kanila. 
16 At nangagkatipon din naman ang karamihang mula sa mga bayang nangasa palibotlibot ng Jerusalem, na nangagdadala ng mga may-sakit, at ng mga pinahihirapan ng mga karumaldumal na espiritu: at sila'y pawang pinagaling. 

Gawa 19:11-12
11 At gumawa ang Dios ng mga tanging himala sa pamamagitan ng mga kamay ni Pablo: 
12 Ano pa't ang mga panyo o mga tapi na mapadaiti sa kaniyang katawan ay dinadala sa mga may-sakit, at nawawala sa kanila ang mga sakit, at nangagsisilabas ang masasamang espiritu. 


Ito ang mga patunay na may saligan sa banal na kasulatan ang pagpupunas o pagpapahid sa mga sagradong imahen o relic ng mga banal. Ito hindi gawa-gawa lamang ng Simbahan. Ito ay malinaw na banal na pagkilos na kinalulugdan ng ating Dakilang Diyos.

Sinasabi ng mga pastor at ministro na sila ay tumutupad sa banal na kasulatan, subalit bakit mukhang nilalaktawan nila ang mga talatang ito na nahahayag sa bibliya. Dahil sa maling interpretasyon ng kasulatan ay hinuhusgahan nila ang mga katoliko, pero kung ating titingnan sa Europa may mga imahe rin si Martin Luther sa mga simbahan ng mga protestante, gayundin si FELIX MANALO ng INC na kung manisod sa mga katoliko ay gayun na lamang yun pala maging silang mga INC ay may rebulto at imahe ni FELIX MANALO.

Imahe ni Martin Luther, Ama ng Protestantismo.


Ang mga INC na nagpaparatang humhihipo rin pala sa kabaong ng anak ng kanilang sugo-suguan. Huli ka!!!


Galit na galit kapag ang mga katoliko ay nag aalay ng bulaklak sa Mahal na Birheng Maria eh ABA sila din pala na mga INC nag-aalay ng bulaklak sa imahe ni FELIX M. YSAGUN. Tsk.. Tsk.. 




NASUSULAT:
Roma 2:1
1 Dahil dito'y wala kang madadahilan, Oh tao, sino ka man na humahatol: sapagka't sa iyong paghatol sa iba, ay ang iyong sarili ang hinahatulan mo; sapagka't ikaw na humahatol ay gumagawa ka ng gayon ding mga bagay. 



 NGAYON! Sino ang tunay na tumutupad sa kasulatan? MABUHAY ANG SANTA IGLESIA KATOLIKA ROMANA!

Sa Diyos ang kapurihan at karangalan magpakailanman! Amen!



-BRO. PAULO MIGUEL M. MAGISA
 FRC YOUTH MINISTRY PRESIDENT

Biyernes, Oktubre 25, 2013

Common Sense of the Sacrament of Confession

The Gospel of St. John have this sacred text : [Jesus] said to them again, "Peace be with you. As the Father has sent me, so I send you." And when he had said, he breathed on them and said to them, "Receive the holy Spirit. Whose sins you forgive are forgiven them, and whose sins you retain are retained." (John 20:21-23)


Image taken from : http://www.fatherjames.org/2013/03/02/the-sacrament-of-confession/
Now, why peace? Let us understand that peace is the sweet fruit of the presence of the Holy Spirit in a person, in a group, or in a community where God dwells. "Peace is the tranquility (coolness) of order." - St. Agustine.

God is the only person who can give peace and in this he had assigned persons who will become his instrument of peace to others. Then the Holy Spirit now who is active in his agents is the grace that sanctifies us, enables us to be at peace with God and at war with the devil.

Grace and sin cannot be mixed together same as God and devil cannot be a peace with each other.

And our Lord Jesus Christ who "will save his people from their sins" (Matt. 1:21), sent by the Father to us, is now the one who sends persons for us who were recipient of the breath of our God which is the Holy Spirit, the giver of life, the same Spirit who gave life to mankind (Gen. 2:7).

It is very fitting to have the Lord the Holy Spirit in us for he effects the restoring power of Jesus Christ who restores the life to mankind that was destroyed when our first parents had fallen into sin and death.

Jesus Christ now sends his disciples and he gives them the Holy Spirit. So these disciples have the Holy Spirit in their very own person.

For Jesus Christ was risen from the dead and sooner or later will go to the Father in heaven, there must be people who will continue to forgive sins, on behalf of the person of Jesus Christ who is the only one who can forgive sins. Jesus Christ had (of course) the Holy Spirit from the beginning (of course) and so now he breathed on them the Holy Spirit, the Spirit of the Father and the Son, who will be with his agents of sanctifying grace in restoring grace and forgiving sins.

Jesus Christ forgives people he encountered in his life, and in this, healing was brought to them. He also knew the people's thought and what was in their hearts even without saying them to him.

Now it makes perfect sense in the words of Jesus Christ : "Whose sins you forgive are forgiven them, and whose sins you retain are retained."

How can the disciples forgive the sins of the people if they do not know their sins? How can they bestow the forgiveness of God to them if the people will not let their hearts out? To the ministers of Jesus Christ? How can the ministers of God forgive the sins of the people if they will not hear the sins of them? How can they retain (that is, not bestowing absolution) the sins of the people if they will not know the sins of them?

Well, the people will confess it to them, to the agents of forgiveness.

When you confess, you must let your heart out. You must show your heart to God who is working in his agents, who were living agents of the Holy Spirit. Because although God knows what is inside your mind and heart, and Jesus Christ knew before more than 2,000 years ago the people's mind and heart when he had forgiven their sins, let us remember that the forgiveness was personal, that is, it was Jesus Christ in his very own person who met another person who needs healing and forgiveness. It is personal when God personally forgives the people who came to him way back 2,000 years ago.

Now, since Jesus Christ is not here anymore in his very own person, that is, the Jesus Christ who eats, wakes up in the morning, washes the dishes, doing carpentry stuffs, preaching here and there, scolding his disciples, and et cetera, there must be persons who will embody him or he must effect on these persons in order to forgive sins even though his not here in his very own person.

Let us not deceive ourselves. Self justification that God already forgiven your sins even without the Sacrament of Confession is a lie and arrogance and pride.

Confess your sins to the priest. Be solid in your resolution not to sin (mortal sins) again.

(P.S. : If want clarifications or enlightenment, just ask. Or pray to the Holy Spirit.)

Ite inflammate omnia!

Ad Majorem Dei Gloriam!


Mary Hao

from http://aboveaglassoficedtea.blogspot.com/

Miyerkules, Pebrero 27, 2013

We Love you Pope Benedict XVI!

Mahal ng mga Pilipinong Katoliko ang Santo Papa Benito XVI. 

Mahal naming Santo Padre, tutularan namin ang iyong halimbawa ng kapakumbaan na kalimutan ang sarili at posisyon para sa kaluwalhatian ng kalooban ng Diyos. Mabuhay ka Pope Benedict XVI . May tahanan ka sa aming mga puso at may lugar ka na sa kaharian ng Langit.

WE LOVE YOU POPE BENEDICT XVI!

-FRC YOUTH MINISTRY





Linggo, Pebrero 17, 2013

Ang Rosaryo at Kwaresma.. Pagninilay.


Ang Kwaresma ay panahon upang muling madiskubri ang kahalagahan ng panalangin. Ito ay magandang pagkakataon upang muli nating tanganan ang ating mga Rosaryo, at kasama si Maria, pagnilaynilayan ang buhay ng ating Panginoong Hesus. 





Maaari nating isipin na ang Kwaresma ay ang angkop na panahon sa ating taunang liturhiya na tunay na bumabalot sa Misteryo ng Hapis ng Santo Rosario. Sa katunayan ito nga talaga ang pwede nating ipakahulugan sa Kwaresma.
Ang pagninilay natin sa mga misteryo ng Santo Rosaryo ay isang pagkakataon upang ipagkaisa natin ang ating mga panalangin para sa mga kapatid nating dumaranas ng hirap ng katawan at puso, upang ipagdasal natin ang mga taong tinutuligsa dahil sa pakikibaka ng hustisya para sa mga naaapi, pangaapi dahil sa kanilang pananampalataya kay Kristo. Paano natin makakalimutan ang ating mga kapatid na inuusig o binubuwis ang sarili nilang buhay, mga kapatid natin sa Nigeria, China, India , ibang bansa sa Asya at iba pang mga lugar sa mundo.
Ang pagdarasal ng Santo Rosaryo ay isang pagkakataon upang matulungan natin mapagaan ang pait ng pagdurusa, ang nakapintong kamatayan at ang pakikibaka sa mga kaso ng kawalang hustisya. Ang mga taong nakikiisa sa mga pagdurusa na ito ay ang mga Simon Sireneo na tumutulong bumuhat ng mabigat na krus ng kanilang mga kapatid.
Ang pagdarasal ng Santo Rosaryo ay isang natatanging pagkakataon upang makapagbigay pasasalamat sa ating Panginoong Hesus sa kanyang walang hanggang pagmamahal, pagmamahal na ipinamalas niya sa kanyang kamatayan sa krus upang lahat tayo ay maligtas. 


Subalit huwag nating isipin na ang kwaresma ay karugtong ng Misteryo ng Hapis lamang.
Huwag nating kalilimutan na ang Marso ay nagpapaalala din sa atin ng unang Misteryo ng Tuwa dahil sa buwan na ito ay gugunitain natin ang piyesta ng PAGBATI NG ANGHEL KAY MARIA, ang Annunciation.
Sa Semana Santa ay ipagdiriwang din natin ang pagtatalaga ng BANAL NA EUKARISTIYA, na napapaloob sa Misteryo ng Liwanag.
Huwag din nating kalilimutan na ang PAGKABUHAY NG PANGINOON na pumapaloob sa MISTERYO NG LUWALHATI, ay ipinahayag ni Hesus sa kanyang mga disipulo! Si Hesus ay magpapakasakit at mamamatay ! Ngunit siya rin ay ang ating MULING PAGKABUHAY AT BUHAY! 


Kaya’t sa panahong ito ng Kwaresma kasama ang ating mga rosario – ang lahat ng ating pagrorosaryo – tayo ng tahakin ang daan patungong Herusalem!



Fr. Louis-Marie Ariño-Durand, o.p. 
Punong-Tagapagpalaganap ng Rosaryo
 


(Pagkilala sa May Akda na si Fr. Louise-Marie Ariño-Durand O.P)

The 1st Grand Healing Cenacle in honor of the Blessed Virgin Mary.

Noong ika-11 ng Pebrero 2013 ganap na ika-7 ng gabi ay idinaos ng Family Rosary Crusade ang Grand Healing Cenacle. Ito ay dinaluhan ng 109 participants mula sa iba't ibang pangkat ng FRC at parish organizations. Tampok din ng gabing iyon ang 2nd class relic nina St. Gerard Majella, Bl. John Paul II at St. Anthony of Padua. Nagkaroon din ng healing session sa pangunguna ni Bro. Marco C. Evangelista M.I bilang pakikiisa sa kapistahan ng Ina ng Lourdes. Ang langis naman na ginamit sa healing ay nagmula sa remains ni St. John of Shangahi sa Holy Virgin Cathedral San Francisco USA.

Pinasaya at mas lalong pinaganda ang okasyon sa pagsayaw ng mga FRC YOUTH Animators from FRCY San Roque at FRCY AMA Computer College. Gayundin naman ang kaaliw-aliw na musikang hatid ng FRC YOUTH MINISTRY CHOIR sa pagkumpas ni Bro. Louie Pungtod.

Para sa ating kaalaman, ang Cenacle ay gawaing nagpapalalim sa buhay-espiritwal ng isang indibidwal. Dito ay sama-samang nagdarasal ng Santo Rosaryo, umaawit, nagbabahaginan at nag-aaral ng katuruan ng Inang Simbahan. Pinalalakas ng Cenacle ang isang samahan gumagawa nito dahil ito ay uri ng FORMATION at ang nangyari nung Feb. 11 kapareho ng aking nabanggit subalit nilagyan lamang ng healing session at pagtatanghal alay sa karangalang ng Mahal na Birheng Maria.

Lubos po ang pasasalamat sa aming Kura Paroko Rev. Fr. Aries C. Reyes sa kanyang pagsuporta sa gawain. Sa PPC, sa lahat ng Organizations, Benefactors at Sponsors na nagtiwala, sumusuporta at nagmamahal sa FRC YOUTH. Sumainyo ang pagpapala ng Panginoong Diyos! Ave Maria!


-Bro. Paulo Miguel M. Magisa
FRC YOUTH MINISTRY PRESIDENT



 Bro. Marco Evangelista lay his hand to a sick person..


 Particcipants ..


 San Roque de Sampaloc Parish Worker with Bro. Marco..



 FRC YOUTH..


 Viewing of the relics..


 FRC YOUTH MINISTRY CHOIR..


 Cenacle Image and the relics..




Martes, Disyembre 25, 2012

"Going Home" A Story of Conversion of former member of United Methodist Church



Mapagpalang umaga po sa inyong lahat!

Ako po si RONILYN RAGUINDIN ARABIT, 18Y/O mas kilala bilang "Len".



Lumaki ako sa piling ng mga Metodista-Protestante. Nakafocus at direkta lagi sa Panginoong Hesus. Ngunit noong ako'y sanggol, bininyagan po ako sa Simbahang Katolika.


Ang papa ko ang katoliko sa aming pamilya. Ang mama ko ang Methodist. Nag-usap sila noon na kaming 3 magkakapatid ay bibinyagan sa Simbahang Katolika pero magsisimba kami kasama ang aming ina sa simbahang metodista.


Noong bata ako, madalas akong nagtatanong bakit hindi namin kapiling si papa kapag nagsisimba. I envy those child who have their father and mother beside them. Every time we go home, I always ask my father, "Bakit hindi ka sumasama sa amin?" Sinasabi niya sa akin na masyado pa akong bata at hindi ko maiintindihan.
Actually, bata pa lang ako, hindi ko alam ang isasagot sa tanong na ito, "anong religion mo?" Kung pwede lang isagot na dalawa relihiyon ko, gagawin ko. Ayaw ko kasing mamili. Alam kong marami pa akong hindi nalalaman, wala pa akong karapatang mamili.


When I was in elementary, gumagamit na ng rosaryo ang iba kong kaklase. Binigyan kami noon ng libreng rosaryo at dinasal yun. Nagsama-sama kaming magkaklase na hindi marunong gumamit, lahat kami mga protestante pero bago pa magsimula, tumabi ako sa isa kong kaklase na marunong gumamit ng rosaryo at sinabayan ko siya, may hawak din ako na maliit na libro para masabayan ang kanilang binibigkas. Hindi ko naman alam noon na bawal pala sa metodista ang paggamit at pagdarasal ng rosaryo. Ngunit wala akong maramdamang mali sa ginawa ko.


Sa simbahang Metodista, hinihiwalay ang mga bata habang nagbabahagi ng salita ng Diyos ang pastor. Nasa bahay-kubo kami noon malapit sa kapilya, kasama ang isang deaconess namin. Tungkol sa kapanganakan ng Panginoong Hesu-kristo ang aming tinatalakay, sa bandang huli pagkatapos niya isalaysay ang kwento, nagtanong siya kung may mga katanungan kami. Mahiyain ako noon ngunit naglakas loob akong tumaas ng kamay. Tinanong ko kung mayroon din ba siyang alam kay Maria na ina ni Jesus. Kung sino magulang ni Maria, saan siya nagmula. Ngunit nadismaya lang ako ng sinabi sa akin na,  


"Hindi na importante yun, ang mahalaga ay ang tungkol sa ating Panginoong Hesu-kristo, sa kanya lang tayo dapat magpokus."

 
Hindi na ako nagsalita muli at ngumiti na lang bilang pagrespeto sa kanya dahil siya ang aming guro noon sa bible study. Sinabi ko na lang sa sarili ko na, tama na naman siya, mas importante nga naman na mas kilalanin ang Panginoong Hesus at wala ng iba.



Naguluhan talaga ko sa panahong ito, dahil ang katoliko at metodista ay may iisang Diyos lang na sinasamba. Pero may mga pagkakaiba pa rin. Ito ba ang dahilan kung bakit hindi lumilipat si papa ng relihiyon? kaya ba mas gusto niya na manatili sa bahay at manood ng misa sa tv at sabayan ang paulit-ulit lang na kanta kasama ang gitara niya kaysa makapiling kami sa simbahang metodista-protestante?


Dumating na lamang sa punto na ginawa ko ang lahat para maging aktibo sa simbahang metodista para ipakita kay papa na maganda naman ang ginagawa namin. Masaya magpraise and worship. Sobrang mahiyain talaga ko noon pero para sa Panginoon, inaalis ko yon... kaya kong sumayaw, kumanta, umarte, magdrawing.. kahit ano basta para sa Panginoon, ganyan ako pinalaki ng mga metodista. Ginawa ko rin ito para maingganyo na rin si papa na sumama na sa amin. Lagi ko itong ipinagdarasal kaso hanggang ngayon hindi nangyari.


Masaya ako sa kinalakhan kong simbahan ngunit hindi naaalis sa akin lahat ng mga katanungan kong hindi ko naman matatagpuan kung nasaan ako ngayon. Sinubukan kong tanungin mga kaklase kong katoliko, ngunit hindi rin nila alam ang isasagot sa akin. Hindi nila kayang ipaliwanag. Minsan nagtanong ulit ako kay papa, at dahil sa pagdedepensa niya sa simbahang katolika, alam kong walang maling ginagawa ang simbahan na ito. Lalo na't may tiwala ako kay papa at hindi siya magsisinungaling. 


Pero sa bandang huli ng aming pag-uusap, tinatong niya ako kung masaya ako sa metodista. I told him that I’m happy serving God with the actions they're doing especially through talents and music. Papa told me, don't ask more, maguguluhan ka lang. Okay ka na dyan. Masaya ka na. Okay na yun.


Alam kong masaya si papa para sa amin. Hindi naman kami naligaw ng landas eh. Lagi naman kaming masaya sa bahay. Ayos ang relasyon namin sa bawat isa kahit hiwalay siya ng relihiyon.


Balak ko ng magpaconfirm as official Methodist noong ako'y nasa 3rd year HS, kaso hindi natuloy dahil kasabay ng activity ng girl scout. Hindi ko naman pwede ipagpalit iyon dahil naka-oo na ako na sasama ako, ayoko masira tiwala sa akin noon lalo na't ako ang leader nila. Hindi naman sa ipinagpalit ko ang Panginoon, baka lang hindi ito ang tamang araw para doon.
After 1 year, dumating na ulit ang time para sa confirmation class, sa kasamaang palad, hindi ulit natuloy. Inaaayos ko kasi magiging kinabukasan ko sa kolehiyo. 


  I felt sad lalo na't isa na ako ngayon sa inaasahang kabataan sa aming kapilya, umuunti na rin kasi ang mga kabataang nagsisimba. Gusto kong tulungang maibalik ang sigla ng simbahang- metodista sa amin. Mula dito, nangako ako, last na ito, next year kailangang maconfirm ko na ang religion ko. Para hindi na rin ako maguluhan.

Cluster 2 Methodist Youth  Summer camp election  2011, nahalal ako bilang secretary.
Ito ay bago ako pumasok sa kolehiyo. Dumating ang June, at nagkaroon ng problema. NagROTC kasi ako, at every sunday yun. I can't go home and go to church. Okay naman dahil mayroon kaming misa before training pero nakakamiss pa rin yun nasa simbahan ka mismo nagseserve. Hindi ko rin magampanan ang tungkulin ko bilang secretary. Kapag may meeting ng sabado, dun na lang ako bumabawi.


 Kapag available ako at nataong may meeting, dadalo ako, kahit saan pa yan. Dito rin ako natutong maging matapang pumunta sa mga lugar na hindi ko pa napupuntahan. Kahit hindi ko naman talaga alam, alam kong makakapunta pa rin ako dahil hindi ako pababayaan ng Diyos. At para sa kanya ang ginagawa ko. Dahil din dito hindi na rin ako nakakauwi sa amin. Nasa dorm kasi ako ng monday- friday. sunday- rotc, sat.- kung may gawain ang samahan ng mga metodista, dadalo ako. Gagawin ko ang lahat kapalit ng tiwalang binigay nila.


Kalagitnaan ng semester, niyaya ng isa kong classmate yung roomate ko para dumalo ng concert nila sa Simbahang Katoliko. Tinanong ko ung classmate ko bakit hindi niya ako iniimbita. Alam daw niya kasing hindi ako katoliko. Hindi naman sumama loob ko, besides sinabihan naman niya ko na sumama if gusto ko. Tama naman siya, hindi ako katoliko. Hindi na sana dapat ako pupunta kaso mapilit ung roomate ko, wala kasi siyang makakasama, hindi rin niya alam ang lugar.

Habang nanonood ako sa concert na iyon. Naalala ko ang first and last time na magkakasama kami ng pamilya ko sa loob ng simbahan dahil din kasi yun sa concert, napilitan lang si mama noon. Nakakapagtaka kasi alam kong sobrang tagal na iyon pero naaalala ko pa rin. Nakakatuwang maalala ang mga iyon. Sobrang nagpapasalamat ako sa classmate at roomate ko dahil napangiti talaga ako ng gabing iyon.


Nang nakauwi na kami, nabanggit sa akin ng roomate kong gusto niya maging bahagi ng grupong pinanood namin. Bukod sa magaling silang umawit, mukhang mababait pa ang bawat miyembro nito. Sinuportahan ko siya sa kanyang desisyon, aktibong kabataan naman siya sa dati niyang parokya, walang problema sa kanya, katoliko naman siya. Maganda rin iyon dahil hindi na siya nakakauwi sa kanilang probinsya kapag pasukan. Dahil dito, sinabi ko iyon sa classmate ko, natuwa naman siya. Sinabi ko na tulungan niya ang roomate ko. 


Kaso everytime na pupunta siya doon para kumanta sa misa, nagpapasama siya sa akin. Hanggang 5pm ako sa school kya nasasamahan ko naman siya sa 8pm choir service for the Holy Mass. Minsan may nagsabi sa akin na sama na rin ako sa kanila... nasabi ko na lang na--- hindi po ako katoliko.

Nakakapanibago talaga! Hindi ako sana'y makakita ng mga imahe, tapos lahat sila nagsisign of the cross, ako lang hindi. Nasabi ko minsan, bakit ba ako narito? Hindi talaga maluwag pakiramdam ko pero masaya pa rin ako.

Nasanay na akong itanggi na katoliko ako,

Samantalang hindi pa rin naman ako confirm na methodist. Bumalik lahat ng tanong ko sa mga katoliko. Nawala na ito dati kaso habang tumatagal ako sa grupong iyon bumabalik lahat. Hanggang dumating sa point na, nagpaalam ako sa kanila, "Pwede po ba akong sumali sa inyo, for 10 sundays? Gusto ko pong subukan maging active catholic. Masaya akong pumayag sila kaso that time kasi ayaw na ng roomate ko, ung classmate ko naman, nabawasan ang pagiging active dahil sa parents. Pero kahit ganoon seryoso ako sa sinabi ko, kahit hindi ko kilala ng lubusan ang mga tao doon, alam kong may dahilan kung bakit ako napasama dito. 


I never try being a catholic. I never listen to them. Maybe this is the time to answer all my questions. After that 10th sunday, magdedesisyon ako ng relihiyon ko. I want to be fair kaya alam kong tama itong gagawin ko. Lumaki ako for almost 17 years sa methodist, at ginusto kong subukang maging katoliko atleast for 3 months bago ulit ang confirmation class sa methodist. Hindi ko binanggit kanila mama at papa ang ginagawa ko. I want to decide on my own. I set a date- before I turn 18y/o, I want to be clear. Hindi ko na kailanman babaguhin ang desisyon ko, once na sumalang ako sa confirmation -Its either to continue being a methodist forever or choose to be catholic forever. 


In short, pinagsabay ko- doing my task as secretary in cluster 2 and being active member in a catholic group which is Family Rosary Crusade Youth Ministry. Kahit Monday to Friday na nilalaan ko lang sa school, minsan nadadagdagan din for attending Marian assembly, catechetical, or even choir service.


Dumating na rin sa point na natapos na ang rotc ko at pwede na akong bumalik sa amin kapag Sunday. Ang ginawa ko, sinusubukan ko ng umuwi ng Saturday para babalik ulit ako sa Manila ng Sunday afternoon. After ng service namin sa Methodist ng 10am, sa hapon babyahe ako para makaabot sa choir slot namin ng 5:00pm Manaoag Chapel at 8:00pm San Roque de Sampaloc Parish.



Minsan umuwi ako wearing my Scapular. Ttinanong ako ng kapatid ko, ''ano yan ate? bakit may suot kang domo na walang mukha?" then she laughed. I just said, "Scapular ang tawag dito at hindi domo." I never expain to her cause I know she will not take it seriously with her age now. 


Even my mother told me to remove it, nasa simbahan kasi kami at nakita niyang suot ko yun, sinabi niyang bawal daw yun sa methodist. Sa oras pala na ito, alam na ni mama na may sinalihan akong Catholic group sa manila. I respect her (like Jesus love and respect her mother, Mama Mary)


I removed it from my neck, actually mula ng binigay yun ng grupo sa akin that was the first time na inalis ko yun. Hindi ako nagalit kay mama, naiintindihan ko siya. 
 

Minsan din, while having a meeting in the cluster 2 officers, I'm wearing that scapular. Then one of them told me that, "bakit ka may ganyan? ano yan agimat? Diba sa katoliko yan? Baka matulad ka sa isa kong kakilala ngayon wala na sa piling ng mga metodista.. bahala ka." I suddenly felt sad. I really respect my 1st scapular, para sa akin si mama mary ang nirerepresent nun. I also felt sorry kasi hindi ko siya kayang ipagtanggol sa panahon na ito. Kahit papaano minahal ko rin ang mga tao na ito at tinuturing na pamilya. I just pray and ask for forgiveness for their acts. Ito lang ang kaya kong gawin.


Habang tumatagal lalo akong nahihirapan, sa FRC YOUTH natutuhan kong ipagtanggol ang Birheng Maria, Ina ng Diyos pero paano ko ngayon gagawin ang ginawa ni Hesus sa kanyang ina kung pipiliin ko maging katoliko, mahihiwalay ako sa aking ina, magkakaiba na kami ng paniniwala. 

Dumating ang araw na sinabi ko kay mama lahat ng natutunan ko sa aral ng simbahang katolika, ngunit hindi ko inaasahan ang nangyari... nagkasagutan kami, napaiyak ako. Tunay na mahirap ng baguhin ang mga nakasanayan na. Nasasaiyo na rin kung bibigyan mo ang sarili mo ng pagkakataon para magbago. Alam ng mama ko, na hindi ko na babaguhin kung ano man desisyon ang gagawin ko.

 Kahit ganoon, sinabi niya sa akin na pababayaan niya ko, hindi niya ipipilit kung ano ang gusto niya. At the first place, nag-usap na sila noon ni papa na hindi nila kami pipigilan kung ano man ang desisyon na gagawin namin patungkol sa relihiyon. Ganoon din naman ako sa kanya, mula ng nag-usap kami, alam kong hindi niya babaguhin ang gusto at paniniwala niya, yun na siya mula bata hanggang pagtanda niya eh sa aking pananaw. Kailangan ko na lang intindihin yun, kung gusto kong maging maayos lahat. 


I love my mother. Ayokong mag-away kami, ayokong magkaroon ng alitan, ayokong lumayo siya sa akin. From that day na nag-usap kami, I always pray na maging mapayapa na ang loob niya, there are times na ayaw niya kong kausapin o pansinin kapag umuuwi ako sa bahay. I understand her. I don't want this to happen pero alam kong may dahilan. Alam kong magiging maayos din lahat. 


Mula ng nagtanong ako sa deaconess namin noon, di na ako muli nagtanong pa sa kahit na sino sa simbahan tungkol sa mga taong nakapaligid kay Hesus noon. Ngayon, I just want to confirm who is Mama Mary to the Methodist?

 I asked our present pastor destined to our place, and honestly, I hate it! I hate those lies... and that's what makes my mind decide.


Oo, parehong iisang Diyos ang sinasamba ng Katoliko at Protestante pero magkaibang pagkakakilala sa Ina ng Diyos.


 I chose to be a catholic, for I love how Catholics approach Mother Mary so special. 


September 22, 2012 - Nagpakumpil na ako bilang isang ganap na katoliko. Gusto kong ipagpatuloy ang paglilingkod sa Diyos sa pamamagitan ng Birheng Maria. Nandoon din si mama, sinuportahan niya ako. Maayos na rin kami ngayon.

Gusto kong magpasalamat sa mga taong ginamit ng Panginoon upang makilala ko ang kanyang ina:

Kuya Pau- nagturo at gumabay sa akin ng turo ng simbahang katolika. Ngayon, ninong ko na sa kumpil. Thank you po, ninong! :)

Christian- naging daan para makilala ko ang Family Rosary Crusade Youth. Ngayon, bestfriend ko na. Thank you, best! :)

Ria- naging daan para bumalik ako sa mga katanungan ko mula nung bata pa ako. Thank you, roomate! :)

JB- nang nawala si classmate at roomate, nandyan ka lagi para samahan akong matuto. Isa kang tunay na kaibigan. Kung kailangan mo ng tulong, nandito lang ako. Handa akong tumulong. Thank you, JB! :)

FRC YOUTH- kayo ang tinuring ko na pamilya ko sa loob ng simbahan. Hindi ko man makasama ng kumpleto ang pamilya ko sa simbahan. Alam kong nandyan kayong lahat. Salamat sa pagtanggap niyo sa akin. Mahal ko kayong lahat! Thank you, San Roque de Sampaloc FAMILY ROSARY CRUSADE YOUTH MINISTRY!


Ronilyn was the girl on the right side of the photo, together with Bro.Paulo Magisa (FRC YOUTH President and National Core Group Officer), Bro. Josper Gaelo (FRC YOUTH Treasurer), and Bro. Jeffrey Moscordon (FRC National Core Group Officer)., this photo was taken last National Conference of FRC National at Tagaytay City.

                                                   


 >Ronilyn R. Arabit 
Former Methodist and now an active Catholic and FRC Youth Member