Huwebes, Nobyembre 22, 2012

Story of Conversion! Share your Miracles!





Hi!


Ako si Robertson T. Poblete.


Bininyagan akong Katoliko noong bata pa ako, pero lumaki akong isang "born-again christian". Sa ngayon, anim na taon na ako sa pananampalatayang Katoliko. Awa ng Diyos, nakabalik.

Noon, tinutuligsa ko ang debosyon ng mga Katoliko sa Mahal na Birheng Maria.
Ganun kasi ako pinalaki ng mga born again. Mahilig manuligsa sa pananampalatayang Katoliko.

Noon ngang dose anyos ako, yung unang Rosaryo ko na natanggap ko mula sa religion teacher namin e itinapon ko lang sa kanal. Pero bago ko itinapon yun e nakatago lang yun ng matagal sa taguan namin. Blue yung original na kulay nun, nung tumagal naging "dirty blue" kasi nadumihan sa taguan, hanggang sa itinapon ko sa kanal.


Pangalawang Rosaryo ko, minsan nagpunta kami ng mga kaklase ko sa Manila Cathedral. May nagbebenta doon ng mga kwintas, pulseras, etc.
Bumili ako ng pulseras, akala ko kasi pulseras lang yun na may krus.
Nung pag-attend ko sa prayer meeting namin sabi sa akin ng 'churchmate' ko rosaryo daw yun. Alam niya kasi yung itsura ng rosaryo. Nung nalaman ko na rosaryo pala yun, ipinamigay ko sa pinsan ko.


Yung pangatlong Rosaryo na natanggap ko, kusang loob kong tinanggap yun. Alam kong Rosaryo yun, at sadya kong hiningi.
Nasa transition period ako noon from protestant to Catholic.
Nagpunta kami sa street mass noon ng gf ko, yung pari ng kanilang parokya ang nagmimisa at ang kanilang Catholic Charismatic group ang tumutugtog. Namigay sila ng Rosaryo doon. Sinabihan ko yung gf ko na ihingi ako. Nagulat siya pero inihingi pa rin niya ako. Kulay brown yung nakuha niya.


Pinalaki ako noon ng mga born again sa paniniwalang ang rosaryo daw ay isang paganong kagamitan, at ito ay sa demonyo, at ang pagdadasal nito ay isang paganong gawain, pagsamba kay Maria.
Pinaniniwalaan ko pa rin yan noon, kahit noong mga panahon na napasakamay ko yung pangatlong Rosaryo ko.
Wala akong intentsyon na dasalin ang Rosaryo nung ipinahingi ko yun sa gf ko.
NAGANDAHAN LANG AKO NOON SA ROSARYO, YUN LANG.
Magandang accessory.
Noong napasaakin yung Rosaryo na yun, lagi ko nang dinadala. Nakalagay sa bulsa, kasi maganda.
Bago ako matulog, hinahawakan ko, kasi maganda.
Tinititigan ko, kasi maganda.


Hanggang...


Dumating sa punto na tila ba ang kagandang nakikita ko sa Rosaryo ay nang-aakit na dasalin ko ito.
Kahit na tila ba naaakit ako na dasalin ang rosario, hindi ko magawa dahil nga ang akala ko isa itong gawain ng mga pagano, at isang pagsamba kay Maria.
Kaya bago ako UNANG UNANG BESES NA NAGDASAL ng Rosario, nagbasa ako ng tungkol dito. Pinag-aralan ko. 


Isa sa mga binasa ko ang Rosarium Virginis Mariae ni Pope John Paul II. At ang sabi niya, 


"With the Rosary, the Christian people sits at the school of Mary and IS LED TO CONTEMPLATE THE BEAUTY ON THE FACE OF CHRIST AND TO EXPERIENCE THE DEPTHS OF HIS LOVE." (RVM, 1)

At "To recite the Rosary is nothing other than to contemplate WITH Mary the FACE OF CHRIST." (RVM, 3)


Sa pagrorosary pala para kang kinukwentuhan ng Mahal na Birhen tungkol sa buhay ng Kanyang Anak na Si Hesus. Parang kayong sabay na tumitingin sa isang photo album at tinititigan ang iba't ibang larawan sa buhay ng kanyang Anak na si Hesus. At ang tawag dito ay mga Mysteryo...Joyful, Sorrowful at Glorious at Luminous.


Maganda ang paliwanag ni Pope John Paul II tungkol sa rosaryo, lalo kapag nabasa yung buong Apostolic Letter niya na nabanggit.
Nung minsang nagsosolo ako sa bahay, ginawa kong magrosaryo. Hindi ko kasi madasal ang rosaryo kapag nasa bahay ang kapamilya ko, hindi ako komportable, saka takot din ako na malaman nilang nagrorosaryo ako.
Yun yung kauna-unahang beses na nagdasal ako ng rosaryo. Pero kahit nagresearch ako tungkol sa rosaryo hindi pa rin ako komportable. May takot sa puso ko nung sinisimulan ko nang magrosaryo.


Habang dinadasal ko ang rosaryo noon, minemeditate ko ang Mysteries ng Buhay ng Panginoong Hesus at ng Mahal na Birheng Maria.

ANG MGA MYSTERIES NA ITO AY NASA BIBLIA. 

Joyful Mysteries:
Anunciation - Luke 1: 26-38
Visitation - Luke 1:39-45
Nativity - Luke 2:1-7
Presentation at the Temple - Luke 2:22-38
Finding at the Temple - Luke 2;41-51



Sorrowful Mysteries:


Agony in the Garden of Getsemani - Luke 22:39-46
Scourging at the Pillar - John 19:1
Crowning of Jesus with Thorns - John 19:2-3
Carrying of the Cross - John 19:15
Crucifixion - Luke 23:26-43



Glorious Mysteries:
Resurrection - Luke 24:1-12
Ascension - Luke 24:50-53
Descent of the Holy Spirit - Acts 2
Assumption - 1 Thes. 4:15-17, 2 Kings 2:11
Coronation - Rev. 12:1



Nang makatapos akong magrosaryo, NAKARAMDAM AKO NG KAKAIBANG KAPAYAPAAN AT SAYA SA PUSO KO.


Lahat ng takot nawala. Masarap palang i-meditate ang buhay ng Panginoong Hesus kapag kasama mo ang Mahal na Ina. Kapag kasama mo ang taong kasa-kasama niya sa buong buhay niya. At hindi lang tomb kundi hanggang sa kanyang pag-akyat sa langit.
Dahil sa kagandahan ng beads ng Rosaryo na tinititigan ko noon, kagandahan na ng mukha ng Panginoong Hesus ang minemeditate ko ngayon.


Sa ngayon, anim na taon na ako sa Pananampalatayang Katoliko, minsan nakakaligtaan kong magdasal ng Rosaryo, pero sinisikap kong bago matapos ang isang araw magdadasal ako ng Rosaryo; Mula noong unang beses akong magrosaryo hanggang ngayon.


Sa pamamagitan ng pagrorosaryo. Lalong lumalim ang pagmamahal ko sa Panginoong Hesus. At natutunan ko ring mahalin ang Mahal na Inang Maria.
Bakit naman hindi? E siya ang kasa-kasama ko kapag binabalik-balikan ang kasaysayan ng buhay ng Panginoong Hesukristo.

Kung mahal mo talaga ang Panginoong Hesus, wala kang dapat ikatakot na mahalin ang taong PINAKAMALAPIT SA KANYA, ANG KANYANG INA.
At ito ang narealize ko:
KUNG ANG PAGROROSARYO AY ISANG GAWAING PAGANO...
GAWAIN BA NG PAGANO NA I-MEDITATE ANG BUHAY NG PANGINOONG HESUKRISTO? -ROBERTSON POBLETE

Sa kanyang ibinahagi ay nalaman kung ano ang pagtingin niya dati sa Mahal na Ina at sa pagdarasal ng Santo Rosaryo subalit sa masidhing alab ng pagmamahal ng Diyos na maibalik siya sa tunay na kawan ay pinagsumikapan niyang alamin ang mga bagay na may kauganayan sa pananampalataya. 

Sa ngayon si Robert ay isa na sa mga nagtatanggol sa pananampalatyang KATOLIKO lalo't higit sa Mahal na Ina Birheng Maria. Isa na rin siyang masugid na tagasuporta ng FRC YOUTH MINISTRY sa mga gawaing espiritwal nito at mga pagtatangahal.

Maraming Salamat Robert sa iyong pagbabahagi. Salamat sa inspirasyon at liwanag mula sa iyong karanasan. 

Muli po ay abangan natin ang iba pang istorya ng milagro sa buhay ng mga kapatid natin sa Simbahang Katolika. Mga paggaling, pagbabalik-loob at pagbabago ang atin pong susunod na mababasa. Tunay na gumagabay ang Espiritu ng Panginoon na ipinangako niya mula noon hanggang ngayon, Mateo 16:20, Mateo 28. 


  http://pilipinongkatoliko.wordpress.com/

3 komento:

  1. Ave Maria!

    Maraming salamat Paulo.

    I am honored na ma-feature ang aking kwento dito sa blog ng Family Rosary Crusade Youth Ministry.

    Sana maraming maabot ang inyong organisasyon na mga tao at maturuan na manalangin ng Rosaryo.

    Nawa pagpalain pa ni Lord ang inyong organization.



    TumugonBurahin
  2. Gratia Plena!
    Salamat din Robert..

    Makakaasa ka na aming ipagpapatuloy ang nasimulan.. Alan alang sa Mahal na Ina! Alam ko na marami ang mag iisp isip na protestante sa iyong ibinahagi.. Mabuhay ka!

    TumugonBurahin
  3. Praying the rosary is like being with Jesus and Mary. We get the chance to contemplate the life of our Lord Jesus, and our mother Virgin Mary. The life, death and the resurrection of Lord Jesus have all been summed up in the mysteries of the rosary. Hence, praying using the rosary is like contemplating the life of Jesus so that we may always remember how much God loves us. Amen.

    TumugonBurahin