Mapagpalang umaga po sa inyong lahat!
Lumaki ako sa piling ng mga Metodista-Protestante. Nakafocus at
direkta lagi sa Panginoong Hesus. Ngunit noong ako'y sanggol, bininyagan po ako
sa Simbahang Katolika.
Ang papa ko ang katoliko sa aming
pamilya. Ang mama ko ang Methodist. Nag-usap sila noon na kaming 3 magkakapatid
ay bibinyagan sa Simbahang Katolika pero magsisimba kami kasama ang aming ina
sa simbahang metodista.
Noong bata ako, madalas akong
nagtatanong bakit hindi namin kapiling si papa kapag nagsisimba. I envy those
child who have their father and mother beside them. Every time we go home, I
always ask my father, "Bakit hindi ka sumasama sa amin?" Sinasabi
niya sa akin na masyado pa akong bata at hindi ko maiintindihan.
Actually, bata pa lang ako, hindi ko
alam ang isasagot sa tanong na ito, "anong religion mo?" Kung pwede
lang isagot na dalawa relihiyon ko, gagawin ko. Ayaw ko kasing mamili. Alam
kong marami pa akong hindi nalalaman, wala pa akong karapatang mamili.
When I was in elementary, gumagamit na
ng rosaryo ang iba kong kaklase. Binigyan kami noon ng libreng rosaryo at
dinasal yun. Nagsama-sama kaming magkaklase na hindi marunong gumamit, lahat
kami mga protestante pero bago pa magsimula, tumabi ako sa isa kong kaklase na
marunong gumamit ng rosaryo at sinabayan ko siya, may hawak din ako na maliit
na libro para masabayan ang kanilang binibigkas. Hindi ko naman alam noon na
bawal pala sa metodista ang paggamit at pagdarasal ng rosaryo. Ngunit wala
akong maramdamang mali sa ginawa ko.
Sa simbahang Metodista, hinihiwalay ang
mga bata habang nagbabahagi ng salita ng Diyos ang pastor. Nasa bahay-kubo kami
noon malapit sa kapilya, kasama ang isang deaconess namin. Tungkol sa
kapanganakan ng Panginoong Hesu-kristo ang aming tinatalakay, sa bandang huli
pagkatapos niya isalaysay ang kwento, nagtanong siya kung may mga katanungan
kami. Mahiyain ako noon ngunit naglakas loob akong tumaas ng kamay. Tinanong ko
kung mayroon din ba siyang alam kay Maria na ina ni Jesus. Kung sino magulang
ni Maria, saan siya nagmula. Ngunit nadismaya lang ako ng sinabi sa akin na,
"Hindi na importante yun, ang mahalaga
ay ang tungkol sa ating Panginoong Hesu-kristo, sa kanya lang tayo dapat
magpokus."
Hindi na ako nagsalita muli at ngumiti
na lang bilang pagrespeto sa kanya dahil siya ang aming guro noon sa bible
study. Sinabi ko na lang sa sarili ko na, tama na naman siya, mas importante
nga naman na mas kilalanin ang Panginoong Hesus at wala ng iba.
Naguluhan talaga ko sa panahong ito,
dahil ang katoliko at metodista ay may iisang Diyos lang na sinasamba. Pero may
mga pagkakaiba pa rin. Ito ba ang dahilan kung bakit hindi lumilipat si papa ng
relihiyon? kaya ba mas gusto niya na manatili sa bahay at manood ng misa sa tv
at sabayan ang paulit-ulit lang na kanta kasama ang gitara niya kaysa
makapiling kami sa simbahang metodista-protestante?
Dumating na lamang sa punto na ginawa ko
ang lahat para maging aktibo sa simbahang metodista para ipakita kay papa na
maganda naman ang ginagawa namin. Masaya magpraise and worship. Sobrang
mahiyain talaga ko noon pero para sa Panginoon, inaalis ko yon... kaya kong
sumayaw, kumanta, umarte, magdrawing.. kahit ano basta para sa Panginoon,
ganyan ako pinalaki ng mga metodista. Ginawa ko rin ito para maingganyo na rin
si papa na sumama na sa amin. Lagi ko itong ipinagdarasal kaso hanggang ngayon
hindi nangyari.
Masaya ako sa kinalakhan kong simbahan
ngunit hindi naaalis sa akin lahat ng mga katanungan kong hindi ko naman
matatagpuan kung nasaan ako ngayon. Sinubukan kong tanungin mga kaklase kong
katoliko, ngunit hindi rin nila alam ang isasagot sa akin. Hindi nila kayang
ipaliwanag. Minsan nagtanong ulit ako kay papa, at dahil sa pagdedepensa niya
sa simbahang katolika, alam kong walang maling ginagawa ang simbahan na ito.
Lalo na't may tiwala ako kay papa at hindi siya magsisinungaling.
Pero sa
bandang huli ng aming pag-uusap, tinatong niya ako kung masaya ako sa
metodista. I told him that I’m happy serving God with the actions they're doing
especially through talents and music. Papa told me, don't ask more, maguguluhan
ka lang. Okay ka na dyan. Masaya ka na. Okay na yun.
Alam kong masaya si papa para sa amin.
Hindi naman kami naligaw ng landas eh. Lagi naman kaming masaya sa bahay. Ayos
ang relasyon namin sa bawat isa kahit hiwalay siya ng relihiyon.
Balak ko ng magpaconfirm as official Methodist
noong ako'y nasa 3rd year HS, kaso hindi natuloy dahil kasabay ng activity ng
girl scout. Hindi ko naman pwede ipagpalit iyon dahil naka-oo na ako na sasama
ako, ayoko masira tiwala sa akin noon lalo na't ako ang leader nila. Hindi
naman sa ipinagpalit ko ang Panginoon, baka lang hindi ito ang tamang araw para
doon.
After 1 year, dumating na ulit ang time
para sa confirmation class, sa kasamaang palad, hindi ulit natuloy. Inaaayos ko
kasi magiging kinabukasan ko sa kolehiyo.
I felt sad lalo na't isa na ako ngayon sa inaasahang kabataan sa aming
kapilya, umuunti na rin kasi ang mga kabataang nagsisimba. Gusto kong tulungang
maibalik ang sigla ng simbahang- metodista sa amin. Mula dito, nangako ako,
last na ito, next year kailangang maconfirm ko na ang religion ko. Para hindi
na rin ako maguluhan.
Cluster 2 Methodist Youth Summer camp election 2011, nahalal ako bilang secretary.
Ito ay bago ako pumasok sa kolehiyo.
Dumating ang June, at nagkaroon ng problema. NagROTC kasi ako, at every sunday
yun. I can't go home and go to church. Okay naman dahil mayroon kaming misa
before training pero nakakamiss pa rin yun nasa simbahan ka mismo nagseserve.
Hindi ko rin magampanan ang tungkulin ko bilang secretary. Kapag may meeting ng
sabado, dun na lang ako bumabawi.
Kapag available ako at nataong may meeting,
dadalo ako, kahit saan pa yan. Dito rin ako natutong maging matapang pumunta sa
mga lugar na hindi ko pa napupuntahan. Kahit hindi ko naman talaga alam, alam
kong makakapunta pa rin ako dahil hindi ako pababayaan ng Diyos. At para sa
kanya ang ginagawa ko. Dahil din dito hindi na rin ako nakakauwi sa amin. Nasa
dorm kasi ako ng monday- friday. sunday- rotc, sat.- kung may gawain ang
samahan ng mga metodista, dadalo ako. Gagawin ko ang lahat kapalit ng tiwalang
binigay nila.
Kalagitnaan ng semester, niyaya ng isa kong
classmate yung roomate ko para dumalo ng concert nila sa Simbahang Katoliko.
Tinanong ko ung classmate ko bakit hindi niya ako iniimbita. Alam daw niya
kasing hindi ako katoliko. Hindi naman sumama loob ko, besides sinabihan naman
niya ko na sumama if gusto ko. Tama naman siya, hindi ako katoliko. Hindi na
sana dapat ako pupunta kaso mapilit ung roomate ko, wala kasi siyang
makakasama, hindi rin niya alam ang lugar.
Habang nanonood ako sa concert na iyon.
Naalala ko ang first and last time na magkakasama kami ng pamilya ko sa loob ng
simbahan dahil din kasi yun sa concert, napilitan lang si mama noon. Nakakapagtaka
kasi alam kong sobrang tagal na iyon pero naaalala ko pa rin. Nakakatuwang
maalala ang mga iyon. Sobrang nagpapasalamat ako sa classmate at roomate ko
dahil napangiti talaga ako ng gabing iyon.
Nang nakauwi na kami, nabanggit sa akin
ng roomate kong gusto niya maging bahagi ng grupong pinanood namin. Bukod sa
magaling silang umawit, mukhang mababait pa ang bawat miyembro nito.
Sinuportahan ko siya sa kanyang desisyon, aktibong kabataan naman siya sa dati
niyang parokya, walang problema sa kanya, katoliko naman siya. Maganda rin iyon
dahil hindi na siya nakakauwi sa kanilang probinsya kapag pasukan. Dahil dito,
sinabi ko iyon sa classmate ko, natuwa naman siya. Sinabi ko na tulungan niya
ang roomate ko.
Kaso everytime na pupunta siya doon para
kumanta sa misa, nagpapasama siya sa akin. Hanggang 5pm ako sa school kya
nasasamahan ko naman siya sa 8pm choir service for the Holy Mass. Minsan may
nagsabi sa akin na sama na rin ako sa kanila... nasabi ko na lang na--- hindi
po ako katoliko.
Nakakapanibago
talaga! Hindi ako sana'y makakita ng mga imahe, tapos lahat sila nagsisign of
the cross, ako lang hindi. Nasabi ko minsan, bakit ba ako narito? Hindi talaga
maluwag pakiramdam ko pero masaya pa rin ako.
Nasanay
na akong itanggi na katoliko ako,
Samantalang
hindi pa rin naman ako confirm na methodist. Bumalik lahat ng tanong ko sa mga
katoliko. Nawala na ito dati kaso habang tumatagal ako sa grupong iyon
bumabalik lahat. Hanggang dumating sa point na, nagpaalam ako sa kanila,
"Pwede po ba akong sumali sa inyo, for 10 sundays? Gusto ko pong subukan
maging active catholic. Masaya akong pumayag sila kaso that time kasi ayaw na
ng roomate ko, ung classmate ko naman, nabawasan ang pagiging active dahil sa
parents. Pero kahit ganoon seryoso ako sa sinabi ko, kahit hindi ko kilala ng
lubusan ang mga tao doon, alam kong may dahilan kung bakit ako napasama dito.
I
never try being a catholic. I never listen to them. Maybe this is the time to
answer all my questions. After that 10th
sunday, magdedesisyon ako ng relihiyon ko. I want to be fair kaya alam kong
tama itong gagawin ko. Lumaki ako for almost 17 years sa methodist, at ginusto
kong subukang maging katoliko atleast for 3 months bago ulit ang confirmation
class sa methodist. Hindi ko binanggit kanila mama at papa ang ginagawa ko. I
want to decide on my own. I set a date- before I turn 18y/o, I want to be
clear. Hindi ko na kailanman babaguhin
ang desisyon ko, once na sumalang ako sa confirmation -Its either to continue
being a methodist forever or choose to be catholic forever.
In short, pinagsabay ko- doing my task
as secretary in cluster 2 and being active member in a catholic group which is
Family Rosary Crusade Youth Ministry. Kahit Monday to Friday na nilalaan ko
lang sa school, minsan nadadagdagan din for attending Marian assembly, catechetical,
or even choir service.
Dumating na rin sa point na natapos na
ang rotc ko at pwede na akong bumalik sa amin kapag Sunday. Ang ginawa ko,
sinusubukan ko ng umuwi ng Saturday para babalik ulit ako sa Manila ng Sunday
afternoon. After ng service namin sa Methodist ng 10am, sa hapon babyahe ako
para makaabot sa choir slot namin ng 5:00pm Manaoag Chapel at 8:00pm San Roque
de Sampaloc Parish.
Minsan
umuwi ako wearing my Scapular. Ttinanong ako ng kapatid ko, ''ano yan ate?
bakit may suot kang domo na walang mukha?"
then she laughed. I just said, "Scapular
ang tawag dito at hindi domo." I never expain to her cause I know she
will not take it seriously with her age now.
Even my mother told me to remove it,
nasa simbahan kasi kami at nakita niyang suot ko yun, sinabi niyang bawal daw
yun sa methodist. Sa oras pala na ito, alam na ni mama na may sinalihan akong Catholic
group sa manila. I respect her (like Jesus love and respect her mother, Mama Mary)
I removed it from my neck, actually mula
ng binigay yun ng grupo sa akin that was the first time na inalis ko yun. Hindi
ako nagalit kay mama, naiintindihan ko siya.
Minsan din, while having a meeting in
the cluster 2 officers, I'm wearing that scapular. Then one of them told me
that, "bakit ka may ganyan? ano yan agimat? Diba sa katoliko yan? Baka
matulad ka sa isa kong kakilala ngayon wala na sa piling ng mga metodista..
bahala ka." I suddenly felt sad. I really respect my 1st scapular, para sa
akin si mama mary ang nirerepresent nun. I also felt sorry kasi hindi ko siya
kayang ipagtanggol sa panahon na ito. Kahit papaano minahal ko rin ang mga tao
na ito at tinuturing na pamilya. I just pray and ask for forgiveness for their acts.
Ito lang ang kaya kong gawin.
Habang tumatagal lalo akong nahihirapan,
sa FRC YOUTH natutuhan kong ipagtanggol ang Birheng Maria, Ina ng Diyos pero
paano ko ngayon gagawin ang ginawa ni Hesus sa kanyang ina kung pipiliin ko
maging katoliko, mahihiwalay ako sa aking ina, magkakaiba na kami ng
paniniwala.
Dumating ang araw na sinabi ko kay mama lahat ng natutunan ko sa
aral ng simbahang katolika, ngunit hindi ko inaasahan ang nangyari...
nagkasagutan kami, napaiyak ako. Tunay na mahirap ng baguhin ang mga
nakasanayan na. Nasasaiyo na rin kung bibigyan mo ang sarili mo ng pagkakataon
para magbago. Alam ng mama ko, na hindi ko na babaguhin kung ano man desisyon
ang gagawin ko.
Kahit ganoon, sinabi niya sa akin na pababayaan niya ko, hindi
niya ipipilit kung ano ang gusto niya. At the first place, nag-usap na sila
noon ni papa na hindi nila kami pipigilan kung ano man ang desisyon na gagawin
namin patungkol sa relihiyon. Ganoon din naman ako sa kanya, mula ng nag-usap
kami, alam kong hindi niya babaguhin ang gusto at paniniwala niya, yun na siya
mula bata hanggang pagtanda niya eh sa aking pananaw. Kailangan ko na lang
intindihin yun, kung gusto kong maging maayos lahat.
I love my mother. Ayokong mag-away kami,
ayokong magkaroon ng alitan, ayokong lumayo siya sa akin. From that day na
nag-usap kami, I always pray na maging mapayapa na ang loob niya, there are
times na ayaw niya kong kausapin o pansinin kapag umuuwi ako sa bahay. I
understand her. I don't want this to happen pero alam kong may dahilan. Alam
kong magiging maayos din lahat.
Mula ng nagtanong ako sa deaconess namin
noon, di na ako muli nagtanong pa sa kahit na sino sa simbahan tungkol sa mga
taong nakapaligid kay Hesus noon. Ngayon, I just want to confirm who is Mama Mary
to the Methodist?
I asked our present
pastor destined to our place, and honestly, I hate it! I hate those lies... and
that's what makes my mind decide.
Oo, parehong iisang Diyos ang sinasamba
ng Katoliko at Protestante pero magkaibang pagkakakilala sa Ina ng Diyos.
I chose to be a catholic, for I love how Catholics
approach Mother Mary so special.
September 22, 2012 - Nagpakumpil na ako
bilang isang ganap na katoliko. Gusto kong ipagpatuloy ang paglilingkod sa
Diyos sa pamamagitan ng Birheng Maria. Nandoon din si mama, sinuportahan niya
ako. Maayos na rin kami ngayon.
Gusto kong magpasalamat sa mga taong
ginamit ng Panginoon upang makilala ko ang kanyang ina:
Kuya Pau- nagturo at gumabay sa akin ng
turo ng simbahang katolika. Ngayon, ninong ko na sa kumpil. Thank you po,
ninong! :)
Christian- naging daan para makilala ko
ang Family Rosary Crusade Youth. Ngayon, bestfriend ko na. Thank you, best! :)
Ria- naging daan para bumalik ako sa mga
katanungan ko mula nung bata pa ako. Thank you, roomate! :)
JB- nang nawala si classmate at roomate,
nandyan ka lagi para samahan akong matuto. Isa kang tunay na kaibigan. Kung
kailangan mo ng tulong, nandito lang ako. Handa akong tumulong. Thank you, JB! :)
FRC YOUTH- kayo ang tinuring ko na pamilya ko
sa loob ng simbahan. Hindi ko man makasama ng kumpleto ang pamilya ko sa
simbahan. Alam kong nandyan kayong lahat. Salamat sa pagtanggap niyo sa akin.
Mahal ko kayong lahat! Thank you, San Roque de Sampaloc FAMILY ROSARY CRUSADE
YOUTH MINISTRY!
Ronilyn was the girl on the right side of the photo, together with Bro.Paulo Magisa (FRC YOUTH President and National Core Group Officer), Bro. Josper Gaelo (FRC YOUTH Treasurer), and Bro. Jeffrey Moscordon (FRC National Core Group Officer)., this photo was taken last National Conference of FRC National at Tagaytay City.
>Ronilyn
R. Arabit
Former Methodist and now an active Catholic and FRC Youth Member
Welcome home to THE ONE.HOLY.CATHOLIC.APOSTOLIC CHURCH! THE CATHOLIC CHURCH! FOUNDED BY THE SON OF MARY! JESUS CHRIST HIMSELF!
TumugonBurahinAD IESUM PER MARIAM! :)
Nicely written conversion story. Welcome HOME!
TumugonBurahinWelcome home, sister Ronylin! :)
TumugonBurahinWelcome home Ronalyn. Your desire for truth led you to the One, Holy, Catholic and Apostolic Church.
TumugonBurahinMay your desire for truth lead you to evangelize people. I know that with the help of God, IT’S NOT IMPOSSIBLE that you may also bring your whole family to conversion.
Our Lord promises us in the Book of James that “whoever brings back a sinner from the error of his way will save his soul from death and will cover a multitude of sins” (James 5:20).
God bless you co-Thomasian.
Welcome to the Family, we're glad that you have come to share you life with us. (Eto yung kinakanta namin habang kinakamayan ang bagong member nung born again pa ako. hehe.)
TumugonBurahinWelcome!!
I'm glad nakabalik ka na sa ating tahanan at kasalo ka na namin sa hapag ng Panginoon.
Sabi na malaki ang naitutulong ng MABUTING PAKIKITUNGO, PAKIKIPAGKAIBIGAN, MAAYOS NA PAGPAPALIWANAG AT KABAITAN para ma-convert ang isang tao.
Maraming pagkakapareho yung conversion story natin. Pero dun ko na lang sa blog ko ikukwento kung anu-ano yun.
God bless you, Mama Mary loves you.
ate, welcome home. Si Mama Mary naman nag-gagabay sa atin kung pa'no natin mas lalung maiintindihan si Jesus dahil minsan, naging anak niya ang Diyos.
TumugonBurahinoh em, pareho tayo ng estado, pero catholic ako since birth, nung mapasok sa buhay ko ang ibang relihiyon like born again christian lalo akong naguluhan. Too many questions sa utak ko, sino ang pipiliin ko, nahihirapan na ko, naghahanap din ako ng kasagutan.. I know lord jesus will lead me sa tamang path.
TumugonBurahinGod bless you and thanks for sharing
Welcome home, Ronilyn. And like most conversion stories I have read, yours is inspiring. Sad that the Catholics you asked the first time couldn't answer your Mama Mary questions. Humbly wear the helmet of salvation and the sword of the spirit, which is the word of God. Ephesians 6:17. You now have been given the knowledge to share the Word.
TumugonBurahinNo one and I say not one on this earth could equal the love Jesus gave to Mama Mary.
God Bless!
Now that's what a Tiger is: a CATHOLIC! Welcome home, Ronilyn! Hope to met you at UST! :)
TumugonBurahinWelcome to Catholic faith,May the Holy trinity blessed you with the intercession of Mama Mary, angels and saints. May your faith grow and inspire others to believe in one God through love, sacrifice and obedience to God's will.
TumugonBurahinWelcome home my dear sister. the holy spirit, the holy catholic and holy apostolic church and our dearest Mama Mary are with you. I'm also praying for my sister who converted to baptist and bring all her children in baptist religion as well as my other sister who converted to jehovah and bring her family to jehovah. I prayed for them always that they may enlightened their mind that Catholic still the true religion of all. The holy Rosary is the most powerful weapon of all.
TumugonBurahinPano po ba ang misa sa UMC
TumugonBurahinMagandang araw sa lahat salamat ng diyos at sana ipatuloy po ninyo at maraming matutunan sa salita nang diyos.
TumugonBurahin