Ang pagpupunas o pagpapahid sa mga imahe ng mga banal o mga labi nito (relic: Bahagi ng katawan, damit o mga telang nadampi) ay madalas na pinupuna ng mga kaibayo sa pananampalataya, mga sektang protestante o mga kultong likha lamang ng mga taong nais ipahayag na sila'y mula sa Diyos. Ang usaping ito, bagamat matagal ng may kasagutan ay labis pa ring pinag-uusapan maging hanggang ngayon sa ating panahon.
Nakalulungkot lamang isipin ang katotohanang marami pa ring mga KATOLIKO ang nadadaya sa mga ganitong usapin lalo na kapag sinimulan ng magsitas ng mga kunwa'y tagapangaral ng salita ng Diyos. Ang tanging masasagot lamang ng ating mga kapatid ay "Ay! Oo nga!". Ganito ang madalas na senaryo na kinahihinatnan ng ating mga kapatid kaya mabilis silang masisinsay sa pananampalatayang katoliko at lilipat sa ibang mga sektang tatag ng tao.
Paglilinaw: Ang pagpupunas o pagpapahid sa mga imahen o relic ng mga banal ay hindi imbento o gawa lamang ng mga KATOLIKO. Ang mga imahen o relic ay sagrado 'pagkat ito sumasalamin sa kabanalang inihalimbawa ng mga taong banal nung sila ay nabubuhay pa, maging ang mga relics na binibigyang halaga ay dinadaluyan ng kabanalan at biyayang kaloob ng Diyos dahil ito bahagi ng katawan ng taong banal na yumao na. Ang mga ito ay hindi nagtataglay ng "salamangka o mahika" na gumagawa ng mga himala.
Ang pagpupunas o pagpapahid ay maituturing na BANAL NA TRADISYON ng Santa Iglesia na halaw pa sa mga kaugalian na mababasa sa BANAL NA KASULATAN:
Bilang 21:8-9
8 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Gumawa ka ng isang mabagsik na ahas at ipatong mo sa isang tikin: at mangyayari, na bawa't taong makagat, ay mabubuhay pag tumingin doon.
9 At si Moises ay gumawa ng isang ahas na tanso at ipinatong sa isang tikin: at nangyari, na pag may nakagat ng ahas ay nabubuhay pagtingin sa ahas na tanso,
2 Hari 13:20-21
20At namatay si Eliseo, at kanilang inilibing siya. Ang mga pulutong nga ng mga Moabita ay nagsilusob sa lupain sa pagdating ng taon.
21At nangyari, samantalang kanilang inililibing ang isang lalake, na, narito, kanilang natanaw ang isang pulutong; at kanilang inihagis ang lalake sa libingan ni Eliseo: at pagkasagi ng tao ng mga buto ni Eliseo, siya'y nabuhay uli, at tumayo sa kaniyang mga paa.
Mateo 9:20-21
20At narito, isang babaing inaagasang may labingdalawang taon na, ay lumapit sa kaniyang likuran, at hinipo ang laylayan ng kaniyang damit:
21Sapagka't sinabi niya sa kaniyang kalooban, Kung mahipo ko man lamang ang kaniyang damit, ay gagaling ako.
Marcos 6:56
56At saan man siya pumasok, sa mga nayon, o sa mga bayan o sa mga bukid, ay inilalagay nila sa mga liwasan ang mga may-sakit, at ipinamamanhik sa kaniya na ipahipo man lamang sa kanila ang laylayan ng kaniyang damit: at ang lahat ng nagsihipo sa kaniya ay pawang nagsigaling.
Gawa 5:15-16
15 Na ano pa't dinala nila sa mga lansangan ang mga may-sakit, at inilagay sa mga higaan at mga hiligan, upang, pagdaan ni Pedro, ay maliliman man lamang ng anino niya ang sinoman sa kanila.
16 At nangagkatipon din naman ang karamihang mula sa mga bayang nangasa palibotlibot ng Jerusalem, na nangagdadala ng mga may-sakit, at ng mga pinahihirapan ng mga karumaldumal na espiritu: at sila'y pawang pinagaling.
16 At nangagkatipon din naman ang karamihang mula sa mga bayang nangasa palibotlibot ng Jerusalem, na nangagdadala ng mga may-sakit, at ng mga pinahihirapan ng mga karumaldumal na espiritu: at sila'y pawang pinagaling.
Gawa 19:11-12
11 At gumawa ang Dios ng mga tanging himala sa pamamagitan ng mga kamay ni Pablo:
12 Ano pa't ang mga panyo o mga tapi na mapadaiti sa kaniyang katawan ay dinadala sa mga may-sakit, at nawawala sa kanila ang mga sakit, at nangagsisilabas ang masasamang espiritu.
12 Ano pa't ang mga panyo o mga tapi na mapadaiti sa kaniyang katawan ay dinadala sa mga may-sakit, at nawawala sa kanila ang mga sakit, at nangagsisilabas ang masasamang espiritu.
Ito ang mga patunay na may saligan sa banal na kasulatan ang pagpupunas o pagpapahid sa mga sagradong imahen o relic ng mga banal. Ito hindi gawa-gawa lamang ng Simbahan. Ito ay malinaw na banal na pagkilos na kinalulugdan ng ating Dakilang Diyos.
Sinasabi ng mga pastor at ministro na sila ay tumutupad sa banal na kasulatan, subalit bakit mukhang nilalaktawan nila ang mga talatang ito na nahahayag sa bibliya. Dahil sa maling interpretasyon ng kasulatan ay hinuhusgahan nila ang mga katoliko, pero kung ating titingnan sa Europa may mga imahe rin si Martin Luther sa mga simbahan ng mga protestante, gayundin si FELIX MANALO ng INC na kung manisod sa mga katoliko ay gayun na lamang yun pala maging silang mga INC ay may rebulto at imahe ni FELIX MANALO.
Imahe ni Martin Luther, Ama ng Protestantismo.
Ang mga INC na nagpaparatang humhihipo rin pala sa kabaong ng anak ng kanilang sugo-suguan. Huli ka!!!
Galit na galit kapag ang mga katoliko ay nag aalay ng bulaklak sa Mahal na Birheng Maria eh ABA sila din pala na mga INC nag-aalay ng bulaklak sa imahe ni FELIX M. YSAGUN. Tsk.. Tsk..
NASUSULAT:
Roma 2:1
1 Dahil dito'y wala kang madadahilan, Oh tao, sino ka man na humahatol: sapagka't sa iyong paghatol sa iba, ay ang iyong sarili ang hinahatulan mo; sapagka't ikaw na humahatol ay gumagawa ka ng gayon ding mga bagay.
NGAYON! Sino ang tunay na tumutupad sa kasulatan? MABUHAY ANG SANTA IGLESIA KATOLIKA ROMANA!
Sa Diyos ang kapurihan at karangalan magpakailanman! Amen!
-BRO. PAULO MIGUEL M. MAGISA
FRC YOUTH MINISTRY PRESIDENT
FRC YOUTH MINISTRY PRESIDENT
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento