Miyerkules, Nobyembre 07, 2012

Katotohanan sa mga sagradong Imahen o Larawan! Huwag papadaya sa mga ibang sekta!

Sagradong Imahen: diyus-diyusan ba ang mga ito? Ipinagbawal ba ng Diyos ang paggawa sa anumang imaheng pangrelihiyon? Hindi. Ipinahihintulot ng Diyos ang paggawa sa mga imaheng pangrelihiyon na nakatutulong sa mga tao upang maituon nila ang kanilang puso't isipan sa Diyos at sa mga bagay na banal.

 Sa Biblia mismo, makikitang ipinag-utos pa mismo ng Diyos ang paggawa sa mga imahen: Ang dalawang rebulto ng kerubin na yari sa ginto na nakalagay sa ibabaw ng Kaban ng Tipan (Exodo 25:18-22); Ang palamuting bulaklak na yari sa ginto na disenyo para sa ilawan (Exodo 25:31-39); Ang binurdang larawan ng kerubin sa tabernakulo (Exodo 26:1); Ang binurdang larawan ng kerubin sa kurtina na dibisyon ng Dakong Banal at Dakong Kabanal-banalan (Exodo 26:31); Ang kerubing ginto na ang mga pakpak ay tumatakip sa Kaban ng Tipan (1 Cronica 28:18-19); Ang mga inukit na larawan ng palma at kerubin sa pangitain ni Ezekiel sa Templo (Ezekiel 41:15-20);Ang mga inukit na bulaklak sa pader ng Templo (1 Hari 6:18); Ang imahen ng kerubin na nililok sa kahoy na olibo (1 Hari 6:23-28); Ang mga inukit na larawan ng palma at kerubin (1 Hari 6:32-35); Ang mga rebulto ng bisirong baka at leon sa trono (1 Hari 10:18-20); Ang ahas na tanso na ipinagawa ng Diyos kay Moises (Bilang 21:8-9).


 Nagiging masama lamang ang mga imaheng pangrelihiyon kapag ang mga ito'y itinuring na "diyos" na sinasamba at pinaglilingkuran ng mga tao. Halimbawa, nagpagawa ang Diyos kay Moises ng imahen ng ahas na gawa sa tanso, upang ang sinumang matutuklaw ng ahas at titingin sa naturang rebulto ay hindi mamamatay (Bilang 21:8-9), subalit nang ito'y itinuring na isang "diyos" ng mga tao at pinangalanan pang "Nehustan", ito'y agad na ipinasira ni Haring Ezequias (2 Hari 18:4).


 Masama bang lumuhod at manalangin sa harap ng mga imahen? Hindi. Nagiging masama lamang ito kung itinuturing natin ang imahen na "diyos", at kung naniniwala tayo na ito'y nagtataglay ng "mahika" o "salamangka" na dapat igalang. Para sa ating mga Katoliko, ang mga imahen ng Panginoong Jesus, ng Mahal na Birhen, ng mga Santo at Santa, at ng mga anghel ay mga alaala lamang na tumutulong sa atin upang maituon ang ating puso't isipan sa Diyos. Ang mga magalang na pagkilos gaya ng pagyuko, paghalik, pagaalay ng bulaklak at insenso, atbp ay ipinatutungkol lang natin sa Diyos o sa mga Santong sinasagisag ng mga imahen; hindi ang mismong imahen ang iginagalang natin.


 Naglalaan lamang tayo ng "kaukulang pagpapahalaga" sa mga imahen alang-alang sa mga sinasagisag nito. Halimbawa, sumasaludo tayo sa watawat ng Pilipinas, hindi dahil sa iginagalang natin ang isang kinulayang tela, kundi dahil sumasagisag ito sa ating bansa. Yumuyuko tayo at nananalangin sa harap ng imahen ni Jesus, hindi dahil sa iginagalang natin ang nililok na kahoy na walang buhay, kundi dahil sumasagisag ito kay Jesus, at mas naitutuon natin ang ating puso't isipan kay Jesus sa tulong nito. Hindi tayo sumasamba sa mga sagradong imahen, kahit pa sa mga imahen ni Jesus. Maliwanag na ipinakikita sa Biblia na hindi masamang lumuhod, magpatirapa, at manalangin sa harap ng altar (1 Hari 8:54; 2 Macabeo 3:15, 10:26). 


Hindi masamang yumuko, magpatirapa, at manalangin sa harap ng Templo (Ezra 10:1; Awit 138:2). Hindi masamang magpatirapa, umawit, sumayaw, tumugtog, sumigaw ng papuri, maglingkod, humihip ng trompeta, at manalangin sa harap ng Kaban ng Tipan (2 Samuel 6:5, 15; 1 Cronica 16:4,6; Josue 7:6). Hindi masamang ipagbunyi ang karangalan ng Diyos sa harap ng Santwaryo (Judith 16:20). Malinaw na ang mga naturang pagkilos at pagbibigay-galang ay ipinatutungkol sa Diyos at hindi sa altar, Kaban ng Tipan, Santwaryo, o Templo, at ito ay hindi kailanman minasama ng Diyos bagkus ay kinalulugdan pa.


 Nagiging masama lamang ang mga naturang gawain sa harap ng sagradong imahen o sagradong bagay kapag sinamba mo na ang mismong imahen o sagradong bagay. Ipinagbawal ba ng Diyos ang paggawa ng mga imahen niya? Ipinagbawal niya ito noon dahil hindi pa siya nagpapakita sa mga tao. Sinabi sa Biblia: "Nang kayo'y kausapin ni Yahweh mula sa apoy sa Horeb, wala kayong nakitang anyo, kaya kaiingat kayo. Huwag kayong gagawa ng anumang larawan upang sambahin" (Deuteronomio 4:15-16). Subalit nang kalaunan, nagpakita na rin ang Diyos sa mga tao. 


Nagpakita noon ang Diyos kay Propeta Ezekiel (Ezekiel 1:26) at kay Propeta Daniel (Daniel 7:9) bilang isang "animo'y tao na nabubuhay magpakailanman", nakaupo sa maningning na trono at kumikinang sa kaputian. Sa gayong anyo din nagpakita ang Diyos kay Apostol San Juan (Pahayag 4:1-11). Ang Diyos Espiritu Santo ay nagpakita rin sa anyong kalapati (Mateo 3:16; Marcos 1:10; Lucas 3:22; Juan 1:32) at dilang apoy (Gawa 2:3). Ang Panginoong Jesus mismo ang siyang larawan ng Diyos na di nakikita (2 Corinto 4:4; Colosas 1:15; Hebreo 1:3), at ang nakakita sa Anak ay nakakita na rin sa Ama (Juan 14:9). Nakagagawa tayo ng mga imahen ng Panginoong Jesus sapagkat siya'y ating narinig at nakita, napagmasdan at nahipo (1 Juan 1:1).

 Nakagagawa tayo ng mga imahen ng Diyos batay sa mga nakikitang tanda na Siya mismo ang nagbunyag sa atin. Ang paggawa ng mga imahen ni Jesus ay pagpapahayag ng pananampalataya na ang Diyos ay talagang nagkatawang-tao at nakipamuhay sa piling natin. Nang sinabi ng Diyos na "Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan...Huwag mong yuyukuran sila" (Deuteronomio 5:8-9 Ang Biblia), ang tinutukoy dito ng Diyos ay ang mga imaheng sadyang ginawa para palitan ang Diyos at maging "ibang diyos" na sinasamba at pinaglilingkuran.

 Maliwanag ngang sinabi ng Diyos: "Huwag kang gagawa para sa iyo ng mga dios na binubo." (Exodo 34:17 Ang Biblia). Ang ipinagbawal ng Diyos ay ang paggawa ng mga diyus-diyusan, hindi ang paggawa ng anumang imaheng pangrelihiyon. Ang ipinagbawal ng Diyos ay ang pagsamba (o kahit kamunting pagbibigay-galang) sa mga diyus-diyusan, hindi ang anumang pagpapahalaga, paggalang, o pagyuko sa mga lehitimong imaheng pangrelihiyon. Sinabi nga ng Diyos: "Huwag mong yuyukuran sila o paglilingkuran man sila: sapagkat akong Panginoon mong Dios ay mapanibughuing Dios." (Deuteronomio 5:9 Ang Biblia). "Nanibugho" ba ang Diyos nang ang mga tao'y yumuko, nagpatirapa, at nanalangin sa Kaban ng Tipan, Templo, at altar (1 Hari 8:54; 2 Macabeo 3:15, 10:26; Ezra 10:1; Awit 138:2; 2 Samuel 6:5, 15; 1 Cronica 16:4,6; Josue 7:6; Judith 16:20)? Hindi.


 "Naninibugho" lamang ang Diyos sa mga pagsamba o kahit kamunting pagbibigay-galang sa mga diyus-diyusan. Ang mga "paggalang" at "pagpapahalaga" na inilalaan natin sa mga bagay na banal/sagrado o "nakatalaga sa Diyos" ay pagpapatuloy lamang ng pagsamba natin sa Diyos at paggalang natin sa mga Santo. Sabi nga ng Diyos: "Igalang ninyo ang aking Santwaryo" (Levitico 19:30, 26:2). Ipinag-utos ba ng Simbahan na sumamba tayo sa mga imahen? Hindi. Napakaliwanag at napakahigpit ng itinuturo ng Simbahan hinggil sa tamang gamit at pagpapahalaga sa mga banal na imahen:

 "Higit na naaakit ang mga Pilipinong Katoliko sa mga larawan at rebulto ni Kristo, Maria at mga Santong patron. Nakapagbibigay ang mga larawang ito ng tunay na gabay sa kanilang pagsamba kay Kristo at pamimintuho sa mga banal ng Diyos, kay Maria at kanilang mga Santong patron. Ngunit sa Pilipinas ngayon, marami sa mga hindi nakauunawa sa kahulugan at tungkulin ng pamimintuho sa mga banal na larawan ay nagtatakwil sa ganitong gawain sa dahilang pagsamba daw ito sa mga diyus-diyosan. Taliwas sa ganitong pagtuligsa, mahigpit na iginigiit ng Simbahan ang malaking tulong na ibinibigay ng mga larawang ito para sa tunay na Kristiyanong pananalangin. 


Gayunpaman, kasing higpit ding iginigiit ng Simbahan ang tamang paggamit ng mga naturang larawan, at iniiwasan ang anuman at lahat ng makapagtuturing sa mga larawan na maging diyus-diyosan, o kaya'y ituring ang mga ito na nag-aangkin ng mga kapangyarihan ng salamangka. Ang pangangailangan sa ganitong pag-ingat ay pinatutunayan ng kasalukuyang pangangalakal sa larawan na malinaw na nagpapakita kung gaano maaaring maging mapangmaniobra at mapandaya ang mga larawan ng mga tao pati na rin ang mga banal na larawan.


" Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko talata: 892 "Moreover, that the images of Christ, of the Virgin Mother of God, and of the other saints are to be placed and retained especially in the churches, and that due honor and veneration is to be given them; not, however, that any divinity or virtue is believed to be in them by reason of which they are to be venerated, or that something is to be asked of them, or that trust is to be placed in images, as was done of old by the Gentiles who placed their hope in idols; but because the honor which is shown them is referred to the prototypes which they represent, so that by means of the images which we kiss and before which we uncover the head and prostrate ourselves, we adore Christ and venerate the saints whose likeness they bear. That is what was defined by the decrees of the councils, especially of the Second Council of Nicaea, against the opponents of images." halaw sa: 25th Session of the Council of Trent - On The Invocation, Veneration, And Relics Of Saints, And On Sacred Images.


 Masama bang humipo sa mga imahen para magtamo ng "biyaya" mula sa Diyos? Hindi. Nagiging masama lamang ito kapag ang ating ginagawa'y nakasalig sa mga pamahiin o sa mga paniniwalang may "mahika" o "salamangka" ang mismong imahen. Pinagpapala ng Diyos ang mga taong humihipo sa mga imahen, sa mga sagradong gamit, at lalo't higit sa mga relikya ng mga Santo, kung ito'y nakasalig sa pananalig sa Diyos. Ang mga imahen ay maaaring gamitin ng Diyos sa paghihimala o pagbibiyaya, gaya ng ginawa niya noon sa rebulto ng ahas na tanso (Bilang 21:8-9). Ang bangkay na sumayad sa mga kalansay ni Propeta Eliseo ay muling binuhay ng Diyos (2 Hari 13:20-21).

 Ang babaeng humipo sa laylayan ng damit ni Jesus ay gumaling sa kanyang karamdaman (Mateo 9:20-22). Ang mga maysakit na natatapatan ng anino ni Apostol San Pedro ay gumagaling (Gawa 5:14-16). Maging ang panyo ni Apostol San Pablo ay nakapagpapalayas ng mga demonyo at nakapagpapagaling sa mga maysakit (Gawa 19:11-12). Kaya nga't hindi tayo nagaalinlangan na pahalagahan ang mga bagay na banal--lalo na ang mga relikya ng mga Santo--sapagkat sa pamamagitan ng mga ito'y patuloy na nahahayag sa atin ang kapangyarihan ng Diyos, at sa gayo'y lalong tumitibay ang ating pananalig sa kanya.

 "Pati ang kanyang mga buto ay pinarangalan." (Ecclesiastico 49:15). Tinutuligsa ng mga anti-Katolikong Protestante ang paggamit natin ng mga imahen, sapagkat naniniwala silang ipinagbawal daw ito ng Diyos. Ngunit sa kabila nito, hindi nila maaaring ikaila na sila man ay gumagawa din ng mga imahen! Gumagawa sila ng mga imahen ni Jesus at ng mga Santo sa Biblia sa tuwing gumagawa sila ng mga relihiyosong komiks, "sticker", "bookmark", "Children's Bible", "coloring book", at kung anu-ano pa. Ganyan din ang ginagawa ng mga "Jehovah's Witnesses". At maging ang "Iglesia ni Cristo" ni Felix Manalo ay gumagawa din ng mga pinintang larawan at rebulto ng kanilang "propeta" na si Felix Manalo. Mayroon ding mga denominasyong Protestante na gumagamit ng mga "stained glass" na may imahen sa mga bintana ng mga "kapilya" nila. Tumutugma sa kanila ang sinasabi sa Biblia: "Kaya nga, sino ka mang humahatol sa iba, wala kang maidadahilan. Sapagkat sa paghatol mo sa iba, hinahatulan mo rin ang iyong sarili, palibhasa, ikaw na humahatol ay gumagawa rin ng gayon." (Roma 2:1).

 Sumasamba tayo sa Diyos "sa espiritu at sa katotohanan" (Juan 4:23), kaya't mayroon na tayong karunungan na nagmumula sa Espiritu Santo--sa Espiritu ng Katotohanan--na nagbibigay sa atin ng kakayahang makaunawa ng mga bagay na espiritwal, anupat "ang pag-iisip ni Cristo'y taglay natin." (1 Corinto 2:16). Hindi na makitid ang ating pang-unawa, lalo na pagdating sa mga utos ng Diyos.

 Nang sinabi ng Diyos na "Huwag kayong gagawa" sa Araw ng Pamamahinga (Deuteronomio 5:12-14), alam na natin na hindi ito nangangahulugan na hindi tayo kikilos kahit na hinihingi ng katwiran na kumilos tayo. Alam nating hindi masamang gumawa ng kabutihan at magligtas ng buhay sa Araw ng Pamamahinga (Marcos 3:4). Gayon din naman, nang sinabi ng Diyos na "huwag kayong gagawa ng mga inanyuang larawan", alam natin na hindi ito tumutukoy sa mga imahen ni Cristo at ng mga Santo, kundi sa mga diyus-diyusan.

 Alam din natin kung anu-ano ba ang mga lumalaganap na pagsamba sa diyus-diyusan sa ating kapanahunan: nariyan ang pag-iimbot (Efeso 5:5; Colosas 3:5); kahalayan (Roma 1:24-27); paglilingkod sa kayamanan sa halip na sa Diyos (Mateo 6:24); labis na pagtitiwala sa makabagong teknolohiya at siyensya habang binabalewala ang relihiyon; pagmamataas, na hindi marunong magpakumbaba, na ayaw tanggapin ang sariling kahinaan at kakulangan, at hinahamak pa ang kanyang kapwa... Iyan ang mga pagsamba sa diyus-diyusan na lumalaganap sa ating kapanahunan na dapat nating iwasan.

2 komento:

  1. PRAYER TO a “lifeless image” to PRAY for you (???) ►►► EXTREMELY ABSURD ! ! !

    ► BAKIT BA TAYO MANANALANGIN SA WALANG BUHAY na REBULTO? HINDI PO BA NATIN NAPAPANSIN ANG WEIRDNESS ng ATING MALING PANANAMPALATAYA?

    ► INUUTUSAN PO NATIN ANG ISANG WALANG BUHAY NA REBULTO ► na IPANALANGIN TAYO at ILIGTAS TAYO (???). ◄ HINDI PO BA TAYO KAYANG ILIGTAS NG DI – NAKIKITANG DIOS kaya tayo ay dumadalangin sa isang rebultong walang buhay?

    ► HINDI PO ITO PANANAMPALATAYA AYON SA PAKAHULUGAN NG DIYOS sa BIBLIYA, BAGKOS ITO AY ISANG KABALIWAN at NAPAKALAKING KALAPASTANGANAN SA DIYOS. PAPUPUNTAHIN NINYO ANG ISANG REBULTO AT SIYANG KAKAUSAP SA DIYOS PARA SA INYO?

    ► BAKIT HINDI NATIN INUUTUSANG MANALANGIN SA DIYOS PARA SA ATIN ANG BARBIE DOLL? WALANG PINAGKAIBA ANG ISANG BARBIE DOLL SA MGA REBULTONG DINADASALAN NATIN: ► LIFELESS ALSO◄ may mata DI NAMAN NAKAKAKITA, ► may ilong DI NAMAN NAKAKAHINGA, ► may tainga DI NAMAN NAKAKARINIG, ►may paa DI NAMAN NAKAKALAD, ► may kamay DI NAMAN NAKAKAHAWAK ◄◄◄ SA madaling salita ►►► WALANG SILBI. ANG MGA GUMAWA NITO AT ANG MGA NANINIWALA DITO AY TULAD NG MGA REBULTO NA : ►►► PIPI, BINGI, at BULAG. Diyos na po ang may sabi nito.
    Basahin ang PSALMS 115 : 4 – 8.
    PSALMS 115: 4 Their idols are silver and gold, the work of men's hands. 5 They have mouths, but they speak not: eyes have they, but they see not: 6 They have ears, but they hear not: noses have they, but they smell not: 7 They have hands, but they handle not: feet have they, but they walk not: neither speak they through their throat. 8 They that make them are like unto them; so is every one that trusts in them. (meaning WITH OUT SENSE.)

    SAAN PO BA TAYO NAKAKITA NA ANG ISANG REBULTO AY NANALANGIN sa DIYOS?

    ► NAKAKAPAGSALITA PO BA ANG REBULTO? SIYEMPRE HINDI. EH TAYO NAKAKAPAGSALITA, BAKIT HINDI TAYO NA LANG ANG MANALANGIN SA DIYOS AT SABIHIN ANG GUSTO NATIN. BAKIT KINAKAUSAP PA NATIN ANG ISANG REBULTO UPANG IPANALANGIN TAYO SA DIYOS? NAKAKAPANALANGIN NGA TAYO SA REBULTO, BAKIT HINDI NATIN GAWING TAYO NA LANG ANG MANALANGIN SA DIYOS ?
    ► HINDI BA NATIN KAYANG MANALANGIN NG DIRETSO SA DIYOS? KUNG PWEDE NAMAN PALA, HUWAG NA TAYONG GAGAMIT PA NG REBULTO.

    ► PARA KASING SINASABI NATING, ANG DIYOS AY NAKIKINIG SA REBULTO AT HINDI SA ATIN. KABALINTUNAAN PO ANG PANINIWALA AT GAWI NATING ITO. HINDI NGA KAYANG TAWAGIN NG REBULTO ANG MAY-ARI SA KANYA KAPAG NASUSUNOG NA ANG BAHAY KUNG SAAN NAROON ITO.

    ► WALA PONG ARAL O TURO SA BIBLE NA TULAD NG KINAMULATAN NATING PANINIWALA. KUNG TOTOONG NANINIWALA TAYO SA DIYOS, BABASAHIN, PANINIWALAAN, AT TATANGGAPIN LAMANG NATIN ANG NAKASULAT SA BIBLIYA.
    ► SALUNGAT PO SA MGA ARAL NG DIYOS SA BIBLIYA ANG ATING PANINIWALA AT PANANALANGIN SA MGA REBULTO.

    ► NAWA’Y MAGBIGAY LINAW ITO SA ATING MGA ISIPAN, NANG SA GAYON MAGKAROON NG KABULUHAN ANG ATING PANANAMPALATAYA SA PAMAMAGITAN NG PAGYAKAP NG TAMANG ARAL NG DIYOS NA NASA BANAL NA KASULATAN.

    ► This prayer of the "EXTREMELY SPIRITUALLY BLIND" ► ZEALOTS proves nothing but the fact that the venerated image of Peñafrancia is deemed like a god, thus they WORSHIP it. ACTION SPEAKS LOUDER THAN WORDS.

    LOOK AT HOW ABSURD THE WAY THE "EXTREMELY SPIRITUALLY BLIND" PRAYS:

    "EXTREMELY SPIRITUALLY BLIND" →► image of Peñafrancia →► god (?).

    ► If we INSIST that the image is the same as Mary, then WE ARE AMONG THE EXTREMELY STUPID PERSONS THAT EVER LIVED ON EARTH. Peñafrancia is NEVER THE SAME as the Mary of the Bible. ONLY IDIOTS BELIEVE IT SO (pardon the term but it’s just appropriate). (Let’ come to our senses folks! → NO ONE could ever reconcile this GREAT FALLACY with the Bible.

    TumugonBurahin
  2. VENERATION or WORSHIP?

    Does it show respect only? Or WORSHIP? Notice the act of carrying on the shoulder of the LIFELESS OBJECT adorned with perfume & flowers, is a religious gesture that these "SPIRITUALLY" blind people supposed their action is for God. But it's not. They are doing this crazy and abominable thing, with the thought that they are serving God. IS THIS HOW GOD WANTS PEOPLE SERVE HIM? Simply speaking, when we ought to TRULY serve God, images HAS NOTHING TO DO WITH IT. Question: Is the image a God? The answer is a BIG NO. But why do these people say they are doing this stupid thing for God? And yet what they bear on their shoulders is NOT a God.

    Obviously, this religious practice and devotion unto the image is akin to God worship. These people clinging to image belief have been orally denying its worship, but their ACTIONS SPEAK OTHERWISE. PLACING THE IMAGE IN THEIR ALTAR IN THEIR HOUSE OF WORSHIP IS NOT A MERE RESPECT BUT A VERY OBVIOUS GESTURE OF WORSHIP. IT IS CONSIDERED A DEITY TO THEM WHO DO IT.


    According to these simpletons, the image is that of Mary. Oh really? (pardon the term but it’s just appropriate) How come did that image (WITHOUT FEET) get connected to Mary? NO SINGLE Catholic has ever seen the face of Mary. It’s clear that the image they portray is JUST A MERE INVENTION. A GREAT LIE ! The MARY OF THE BIBLE IS NOT THE PEÑAFRANCIA. And PEÑAFRANCIA IS NOT THE MARY OF THE BIBLE. Besides, MARY OF THE BIBLE WAS NEVER A ROMAN CATHOLIC.
    This religion is from a pagan city of Rome. Mary is from the holy land of Israel. DON’T WE EVER REALIZE THAT? Mary being an Israelite NEVER LOOKS LIKE this SO UGLY IMAGE in every respect.
    This image is NO God. So these people are SERVING NOTHING BUT a VERY UGLY BOWLING PIN looking like image that is ABSOLUTELY FUTILE.
    DESPITE these obvious facts, still these people who are SPIRITUALLY BLIND do their what they call "veneration" or “devotion” which is NO DIFFERENT but synonymous to WORSHIP as clearly & loudly spoken by their actions.

    ANG REBULTO AY HINDI DIYOS, KUNG GANON HINDI PAGSASA DIYOS ANG MGA GAWAING KAUGNAY DITO. BAGKUS, ITO AY AKMA LAMANG TAWAGING: PAGSASAREBULTO.

    KATOTOHANAN AT KATWIRAN PO NG DIYOS ANG SIYA LAMANG DAPAT NATING TANGKILIKIN AT WALA NG IBA PA.

    TANONG: ANG IMAHEN PO BA AY KATOTOHANAN, BUHAY, AT DAAN
    TUNGO SA DIOS AMA?

    SAGOT: HINDI. (eh, di ibig sabihin po nyan, ang imahen ay isa lamang kasinungalinan at kailan man hindi ang daan tungo sa kaligtasan. ITO AY WALANG BUHAY).
    HINDI PO NATIN KAILANMAN KAILANGAN ANG REBULTO.

    SI JESU-CRISTO PO AY SAPAT NA.
    (Pls read: JOHN 14:6, 3:16 & 18 1:12 + 1 Timothy 2:5-6)

    TumugonBurahin