Linggo, Pebrero 17, 2013

The 1st Grand Healing Cenacle in honor of the Blessed Virgin Mary.

Noong ika-11 ng Pebrero 2013 ganap na ika-7 ng gabi ay idinaos ng Family Rosary Crusade ang Grand Healing Cenacle. Ito ay dinaluhan ng 109 participants mula sa iba't ibang pangkat ng FRC at parish organizations. Tampok din ng gabing iyon ang 2nd class relic nina St. Gerard Majella, Bl. John Paul II at St. Anthony of Padua. Nagkaroon din ng healing session sa pangunguna ni Bro. Marco C. Evangelista M.I bilang pakikiisa sa kapistahan ng Ina ng Lourdes. Ang langis naman na ginamit sa healing ay nagmula sa remains ni St. John of Shangahi sa Holy Virgin Cathedral San Francisco USA.

Pinasaya at mas lalong pinaganda ang okasyon sa pagsayaw ng mga FRC YOUTH Animators from FRCY San Roque at FRCY AMA Computer College. Gayundin naman ang kaaliw-aliw na musikang hatid ng FRC YOUTH MINISTRY CHOIR sa pagkumpas ni Bro. Louie Pungtod.

Para sa ating kaalaman, ang Cenacle ay gawaing nagpapalalim sa buhay-espiritwal ng isang indibidwal. Dito ay sama-samang nagdarasal ng Santo Rosaryo, umaawit, nagbabahaginan at nag-aaral ng katuruan ng Inang Simbahan. Pinalalakas ng Cenacle ang isang samahan gumagawa nito dahil ito ay uri ng FORMATION at ang nangyari nung Feb. 11 kapareho ng aking nabanggit subalit nilagyan lamang ng healing session at pagtatanghal alay sa karangalang ng Mahal na Birheng Maria.

Lubos po ang pasasalamat sa aming Kura Paroko Rev. Fr. Aries C. Reyes sa kanyang pagsuporta sa gawain. Sa PPC, sa lahat ng Organizations, Benefactors at Sponsors na nagtiwala, sumusuporta at nagmamahal sa FRC YOUTH. Sumainyo ang pagpapala ng Panginoong Diyos! Ave Maria!


-Bro. Paulo Miguel M. Magisa
FRC YOUTH MINISTRY PRESIDENT



 Bro. Marco Evangelista lay his hand to a sick person..


 Particcipants ..


 San Roque de Sampaloc Parish Worker with Bro. Marco..



 FRC YOUTH..


 Viewing of the relics..


 FRC YOUTH MINISTRY CHOIR..


 Cenacle Image and the relics..




2 komento:

  1. sana marami pang ma encourage sa mga kabataan na maging deboto ng mahal na Inang Maria

    TumugonBurahin
  2. Amen! Pagsusumikapan ng FRC YOUTH MINISTRY ang misyong iyan. Ave Maria!

    TumugonBurahin