LABANAN NATIN ANG RH BILL!
Kaisa ng Simbahang Katolika, ang FRC YOUTH Ministry sa pagtutol sa pagpasa ng RH BILL. Ang RH BILL kung inyong uunawain ay may matibay na banta sa kalusugan ng Kababaihan gayundin ang pagwasak nito sa moralidad higit lalo ng kabataan. Ayon kay Secretary of the State Hillary Clinton " RH BILL is a
free access to abortion." Malinaw na binibigyang daan nito ang pagkitil o sinasabi nilang pagpigil sa pag-usbong ng buhay. Ito ay labag unang-una sa Konstitusyon ng Pilipinas Article 2 Section 12 na pangalagaan ang Ina at buhay sa sinapupunan nito.
Ang bill na ito ay wala rin tinatawag na Ethics mas lalo't kapuna-puna ang paglalagay ng pondo para umagkat ng condoms at contraceptives. Ayon sa mga may akda nito, ang RH BILL daw ay makamahirap at mag aangat sa bansa tungo sa maayos at maunlad na estado subalit paano ito aangat ang kabuhayan tungo sa kaunlaran kung solusyon nila ay magpamigay ng CONDOMS at CONTRACEPTIVES na kung saan ay halos tuwiran nilang sinasabi na maari na kayong makipagtalik kahit kailan kahit saan dahil may proteksyon naman; kitang kita natin na malaki ang magiging epekto nito sa moralidad ng kabataan at pamilyang pilipino. Kung inaakala ng iba ng SAFE ang mga ito para makaligtas sa mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik NAGKAKAMALI PO KAYO dahil ang virus ng HIV ay higit na maliit sa mga tons ng goma meron ang condom. Ang RH BILL ay KONTRA KALUSUGAN!
Isa pang usapin ukol rito ay ang SEX EDUCATION na sinasabi ng mga may akda na magbibigay ng kamalayan sa kung ano ang tama? TAMA BA ITO? Itinuturing nating pinakamaliit na lipunan ay ang PAMILYA subalit anu pa ang magiging papel nito kung inaagaw ng pamahalaan ang karapatan ng pamilya ituro kung anu ang nararapat para sa kanilang mga anak. Ang RH BILL ay HINDI MAKAPAMILYA!
Kung ayon sa kanila ay PRO-WOMEN ang RH BILL bakit kinakilangan pa ng RH BILL, bakit hindi na lang pairalin ng MAGNA CARTA FOR WOMEN na kapareho rin naman ng nilalaman ng ilang bahagi ng RH BILL para sa kaligtasan sa panganganak ng babae.
Ginagawa lamang nilang PALUSOT ang bill na ito upang higit na makapag nakaw sa kaban ng bayan. HUWAG NATIN IBOTO ANG MGA TAGA SUPORTANG POLITIKO NG RH BILL, DOON TAYO SA MGA TAGAPAGTAGUYOD NG BUHAY!
Muli po
tayong magsama sama upang wakasan ang lagim ng RH BILL na pagbobotohan
sa Dec. 12, 2012 (12/12/12) sa Batasan Pambansa. Narito ang liham at
panawagan ng ating mga Obispo..
TUTULAN ANG DEMONYONG RH BILL na banta sa moralidad ng mga Pilipino lalo na sa kapakanan ng kabataan.
-FRC YOUTH MINISTRY
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento