At di sila makararanas ng kamunti mang pahirap. Sa akala ng mga hangal, ang mga matuwid ay namamatay; Iniisip nilang ang kamatayan ay kapahamakan, At ang pagpanaw nila ay tuluyang paglaho. Ngunit ang totoo, sila'y nananahimik na. Bagamat sa tingin ng tao sila'y pinarusahan, Ngunit ang totoo, sila'y nasa buhay na walang hanggan. Ang kaunting pagtitiis nila ay tutumbasan ng malaking pagpapala Napatunayan ng Diyos na sila'y karapat-dapat. Sila'y kanyang sinubok, tulad ng ginto sa tunawan, Kaya't sila'y tinanggap niyang parang handog na sinusunog. Karunungan ni Solomon 3:1-6 |
Humanda ka sa mga pagsubok. Maging tapat ka at magpakatatag, Huwag kang masisiraan ng loob sa panahon ng kasawian. Manalig ka sa Panginoon at huwag kang lalayo sa kanya, Kung nais mong tumiwasay habang nabubuhay. Tanggapin mo ang anumang ipagkaloob niya sa iyo, Tiisin mo ang kadustaan kahit ano ang mangyari. Kung ang ginto ay dinadalisay sa apoy, Ang banal ay sinusubok ng Panginoon sa apoy ng pagtitiis. Magtiwala ka at tutulungan ka niya, Maging tapat ka sa kanya at makaaasa ka. Ecclesiastico 2:1-6 |
Kung paanong ang pilak ay pinararaan sa apoy at tinutunaw para dumalisay. Isaias 1:25 |
"Ang mga ito'y pararaanin ko sa apoy upang dalisayin, tulad ng
pagdalisay sa pilak at ginto. Tatawag sila sa akin at akin namang
diringgin. Sasabihin kong sila ang aking bayan. Sasabihin naman nilang
ako ang kanilang Diyos."
|
Ngunit sino ang makatatagal pagdating ng araw na iyon? Sino ang
makahaharap pag siya'y napakita na? Siya'y parang apoy na nagpapadalisay
sa bakal at parang matapang na sabon. Darating siya para humatol at
dadalisayin niya ang mga saserdote, tulad ng pagdalisay sa pilak at
ginto. Sa gayon, magiging karapat-dapat silang maghandog kay Yahweh.
|
Sapagkat bawat isa ay haharap sa hukuman ni Cristo upang tumanggap ng
kaukulang ganti sa kanyang ginawa, mabuti man o masama, nang siya'y
nabubuhay pa sa daigdig na ito."
|
"At ang aliping nakaaalam ng kalooban ng kanyang panginoon ngunit hindi
naghanda ni sumunod sa kalooban nito ay tatanggap ng mabigat na parusa.
Ngunit ang aliping hindi nakaaalam ng kalooban ng kanyang panginoon at
gumawa ng mga bagay na nararapat niyang pagdusahan ay tatanggap ng
magaang na parusa. Ang binigyan ng maraming bagay ay hahanapan ng
maraming bagay; at ang pinagkatiwalaan ng lalong maraming bagay ay
pananagutin sa lalong maraming bagay."
|
"Kung may magsakdal laban sa iyo sa hukuman, makipag-ayos ka sa kanya
habang may panahon, bago ka niya iharap sa hukom, na magbibigay naman sa
iyo sa tanod, at ikaw ay mabibilanggo. Sinasabi ko sa iyo: hindi ka
makalalabas doon hangga't hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang
kusing."
|
"May magtatayo na gagamit ng ginto, pilak, o mahalagang bato; mayroon
namang gagamit ng kahoy, dayami, o pinaggapasan. Makikilala ang uri ng
gawa ng bawat isa sa Araw ng Paghuhukom. Sapagkat ang Araw na iyon ay
ihahayag ng apoy na siyang susubok at maghahayag ng tunay na uri ng gawa
ng bawat isa. Kung ang itinayo sa ibabaw ng pundasyon ay manatili, ang
nagtayo nito'y tatanggap ng gantimpala. Ngunit kung masunog, mawawalan
siya ng gantimpala; gayunman maliligtas siya, lamang ay parang nagdaan
sa apoy."
|
Sinabi ko, "Kawawa ako. Marumi ang aking labi at naninirahan sa piling
ng mga taong marurumi rin ang labi. Mapapahamak ako pagkat ako'y isang
makasalanang nakakita kay Yahweh, ang Makapangyarihang Hari."
Pagkatapos, may isang seraping sumipit ng baga sa dambana, at lumipad na patungo sa akin. Ang baga ay idiniit sa aking mga labi, at sinabi: "Wala ka nang sala. Napawi na ang mga kasalanan mo." |
At ipinakita niya sa akin si Josue na pangulong saserdote na nakatayo sa
harap ng anghel ng Panginoon, at si Satanas na nakatayo sa kaniyang
kanan upang maging kaniyang kaaway. At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Sawayin ka nawa ng Panginoon, Oh Satanas; oo, ang Panginoon na pumili ng Jerusalem ay sumaway nawa sa iyo: di baga ito'y isang dupong na naagaw sa apoy? Si Josue nga ay nabibihisan ng maruming kasuutan, at nakatayo sa harap ng anghel. At siya'y sumagot at nagsalita sa mga yaon na nangakatayo sa harap niya, na nagsabi, Hubarin ninyo ang mga maruming suot sa kaniya. At sa kaniya'y kaniyang sinabi, Narito, aking pinaram ang iyong kasamaan, at aking susuutan ka ng mainam na kasuutan. |
Sinira ng Kordero ang panlimang tatak, at nakita ko sa ilalim ng dambana
ang mga pinatay dahil sa salita ng Diyos at sa matapat na pagsaksi
rito. Ubos-lakas silang sumigaw, "O Panginoong Makapangyarihan, banal,
at tapat! Gaano pa katagal kaming maghihintay? Kailan mo pa huhukuman at
parurusahan ang mga taong pumatay sa amin?" Binigyan ng puting kasuutan
ang bawat isa sa kanila. At sinabi sa kanila na magpahinga nang
kaunting panahon pa, hanggang sa mabuo ang bilang ng kanilang mga
kapatid at kasamahan sa paglilingkod kay Cristo, na papatayin ding tulad
nila.
|
"Mapapalad ang naglilinis ng kanilang kasuutan sapagkat bibigyan sila ng
karapatang pumasok sa lunsod at kumain ng bunga ng punongkahoy na
nagbibigay-buhay."
|
Tiisin ninyo ang lahat bilang pagtutuwid ng isang ama, sapagkat ito'y
nagpapakilalang kayo'y inaari ng Diyos na kanyang mga anak. Sinong anak
ang hindi itinuwid ng kanyang ama? Kung ang pagtutuwid na ginagawa sa
lahat ng anak ay di gawin sa inyo, hindi kayo tunay na anak kundi mga
anak sa labas. Tangi sa riyan--pinarurusahan tayo ng ating mga ama sa
laman, at dahil dito'y iginagalang natin sila. Hindi ba lalong nararapat
na tayo'y pasakop sa Diyos na ating Ama sa espiritu upang mabuhay tayo?
Sa loob ng maikling panahon, itinutuwid tayo ng ating magulang, ayon sa
inaakala nilang mabuti. Ngunit itinutuwid naman tayo ng Diyos sa
ikabubuti natin upang tayo'y maging banal, tulad niya. Habang tayo'y
itinutuwid hindi tayo natutuwa kundi naghihinagpis. Ngunit pagkaraan
niyon, lalasap tayo ng kapayapaang bunga ng matuwid na pamumuhay.
|
Kung makita ninuman na ang kanyang kapatid ay gumagawa ng kasalanang di
hahantong sa kamatayang espirituwal, ipanalangin niya ang kapatid na
iyon, at ito'y bibigyan ng bagong buhay. Ito'y para sa mga kapatid na
ang kasalanan ay hindi hahantong sa kamatayang espirituwal. May
kasalanang hahantong sa kamatayang espirituwal, at hindi ko sinasabing
idalangin ninyo ang sinumang gumagawa nito. Ang lahat ng gawaing di
matuwid ay kasalanan, ngunit may kasalanang hindi hahantong sa
kamatayang espirituwal.
|
"Ang sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kanya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating."
|
Matapos ito, dinala ni Judas ang kanyang hukbo sa lunsod ng Adulam.
Malapit na ang Araw ng Pamamahinga kaya't ayon sa kaugalia'y naglinis
sila, at ipinangilin ang araw na ito. Kinabukasan, kinailangang tipunin
na nila agad ang bangkay ng mga nasawi sa labanan at ilibing ang mga ito
sa libingan ng kanilang mga ninuno. Samantalang tinitipon nila ang mga
bangkay, napuna nilang sa ilalim ng tunika ng bawat bangkay ay may
nakasabit na mga medalyang larawan ng mga diyus-diyusan sa Jamnia. Sa
batas ng mga Judio, mahigpit na ipinagbabawal ang pagsuot nito.
Napagtanto nila na ito ang dahilan kung bakit namatay ang mga taong ito.
Kaya't pinuri nila ang Panginoon, ang makatarungang hukom na
nagsisiwalat ng mga lihim. Idinalangin nilang sana'y patawarin ang
ganitong pagkakasala. Sa ganitong nasaksihan, ang butihing si Judas ay
nagbabala sa kanyang mga kababayan na umiwas sa paggawa ng kasalanan,
sapagkat nakita na nila ang nangyari sa mga kababayanng nagkasala.
Nagpalikom siya ng mga kaloob na umabot sa halagang apat na librang
pilak at ipinadala ito sa Jerusalem upang ihandog na pantubos sa
kasalanan. Ginawa ito ni Judas sapagkat naniniwala siya sa muling
pagkabuhay ng mga patay. Kung hindi'y magiging kahangalan lamang ang
ipanalangin pa ang mga namatay na. Dahil buo ang kanyang paniniwala na
ang lahat ng namamatay na nanatiling tapat ay tatanggap ng dakilang
gantimpala, ginawa niya ang paghahandog na iyon upang ang pagkakasala ng
mga namatay na ito ay patawarin.
|
Ecclesiastico 7:33 |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento